x34

38.3K 218 22
                                    

Simula na po ng pagdedic ko sa mga nagparticipate sa Chapter 31. :)

Sa mga gustong magpa-plug ng story, comment lang po kayo. Pero may exchange! Dedic nyo sa akin isang chapter ha? ^_____^ Babasahin ko.

Read. Vote. Comment. Recommend! :)

                                                ***

Chapter 34

NOBODY'S POV

Nang mawalan ng malay si Jayke, kasalukuyan namang nagsisipatakan ang luha ni Stephen na nakaupo sa tapat ng pinto ng kwarto ni Jayke. Hindi rin nya alam kung bakit pero ang tanging alam lang nya ay nasasaktan sya sa tuwing nalalaman nyang nasasaktan ang babaeng mahal niya. Kung masakit kay Jayke, doble naman ang sakit na nararamdaman nya.

"Baby.. I'm sorry.." Tanging nasabi niya bago siya umalis sa condo unit ni Jayke.

Agad nyang tinext si Angeli na magkita sila sa coffee shop malapit sa condo ni Jayke.

Inintay nya si Angeli para kausapin ito tungkol sa nangyari. Hindi pa rin kasi alam ng barkada ang nangyare. Hindi nangahas si Jill na sabihin sa iba ang nasaksihan nilang ginagawa ng kuya niya.

* Flashback *

Nang makita ni Stephen si Jayke na tumatakbo papalayo at nakikipagsiksikan sa mga tao, agad nya itong sinundan.

"Kuya! What do you think you're doing?!" Hinawakan ni Jill ang kuya nya sa braso.

"I don't know! I'll follow her, okay?!" Galit na sagot nya sa kapatid.

Bumitaw naman agad si Jill sa kuya niya at hinayaan iyon hanapin si Ate Jayke nya.

Nung nagsibalikan na sa table ang mga kaibigan ng kuya niya, hindi niya alam kung ano gagawin niya. Hindi kasi alam ng mga ito ang nangyaring komosyon kanina. Medyo nagulat sya ng hawakan sya sa kamay ni Angeli.

HIS PARTNER IN BED (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon