x48

25K 134 20
                                    

READ.

VOTE.

COMMENT.

BE A FAN.

--

Chapter 48

Isang linggo na ang lumipas simula ng malaman ni Jayke ang nalalapit na engagement party ni Stephen sa di niya kilalang babae. Hindi niya alam ang gagawin niya. Sa loob kasi ng isang linggo ay wala siyang ibang ginawa kundi magkulong sa kwarto niya.

Ni-isa sa mga kaibigan niya ay hindi alam kung nasan siya naroon maliban kay Joe na hindi siya iniwan at pinabayaan mula ng masaktan siya ng sobra dahil kay Stephen.

Nakatulala lang si Jayke sa may balcony sa bahay ng parents niya. Dito muna siya nanatili dahil ayaw niyang may makausap na ibang tao. Tanging si Joe lang ang nanatili sa tabi niya simula ng magising siya sa pagkakawala ng malay niya sa park.

"Baby jay.. Kumain ka na. Hindi ka na nga kumain kagabi eh. Mag almusal ka na." Pagpupumilit ni Joe sa kaibigan.

Isang linggo simula ng masaktan siya dahil sa lalaking mahal na mahal niya, tila na siya nawalan ng gana mabuhay. Hindi siya nagsasalita, ni-hindi rin siya kumakain. Minsan tinitikman niya lang yung pagkain, bukod dun wala na. Sa isang araw, isang beses lang niya ginagalaw yung pagkain na hinahain sakanya ni Joe.

Nagbuntong hininga si joe at lumuhod sa harapan ni Jayke.

"Jayke, kumain ka na. Isang linggo... Isang linggo lang ang lumipas pero tignan mo ang sarili mo! Please naman. Nag-aalala na sayo sila tita at tito. Ni-hindi mo sila kinakausap kapag tumatawag sila. Ano ba talagang gusto mo gawin sa buhay mo?" Hinawakan niya ang dalawang kamay ni Jayke.

Awang awa siya sa nangyayare sa kaibigan niya. Sa tagal nilang magkakilala, ngayon niya lang ito nakita na miserable.

Nagulat na lang siya ng may pumatak na tubig sa kamay niya. Hindi nagtagal ay sunod sunod na ang pagpatak nito hanggang sa mabasa na ang kamay nilang dalawa.

Tinignan niya si Jayke at hindi siya nagkamali. Umiiyak na naman ito dahil sa isang lalaki. Sa loob ng isang linggo, paulit ulit na lang itong umiiyak at natutulala.

HIS PARTNER IN BED (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon