x53

20.6K 182 31
                                    

 A/N: As I promise, ito na ang update ko. Sorry kung napakatagal kong mag update.

VOTE. COMMENT. BE A FAN.

                                                  ***

 Chapter 53

Bumalik ako sa kwarto ni Jayke kasama ang mga magulang niya. Pinauwi na muna namin si Angeli, mukha na kasing pagod na pagod na siya tsaka ang dami na niyang luha na nailabas sa katawan niya kakaoyak simula ng madala si Jayke dito sa hospital.

Pumasok kami sa kwarto. Dalawa na lang si James at Mike dito. Sinabi nila na umuwi na si Dad at sila Luke at Maria. Mag gagabi na rin kasi kaya okay lang na umuwi na sila. Ayoko rin naman na maabala sila at mapagod kakabantay kay Jayke. Alam ko naman na kasalanan ko to, kaya ayokong may ibang mapagod sa kakabantay.

Nilapitan ni Tito si Tita louisa sa may gilid ng kama ni Jayke at inakbayan. 

"Hon, gusto mo bang umuwi na muna? Bumalik na lang tayo bukas. It's been a long day after all. Hindi rin pwede maraming tao dito sa kwarto lalo na't sensitibo ang lagay ni Jayke."

Narinig ko namang bumuntong hininga si Tita. "Yeah. Tama ka Dad." Bumaling siya sakin. "Hijo, anak tawagan mo kami kapag may nangyare dito ha? Magpapahinga muna kami." Kinuha niya yung bag niya sa may table.

"Tatawag agad kami sa inyo kapag may nangyare dito. Makakabuti din po na magpahinga na kayo. Galing pa naman kayo sa byahe."

Dapat na rin silang makatulog. Malayo layo ang binyahe nila para makauwi dito tapos puro pa problema yung sumalubong sa kanila pag uwi nila dito sa pilipinas.

"Salamat hijo. Mauna na kami. Babalik kami bukas ng umaga." Tinapik ako sa balikat ni Tito at lumabas na sila ng kwarto.

Nakatitig lang ako sa walang malay na si Jayke. Hindi ko matagalan na tignan siya sa ganitong kalagayan. Maraming kable na nakakabit sa katawan niya. Ang oxygen na nagpapanatili sa kanyang buhay. Kung pwede lang sana na ako na lang pumalit sa pwesto niya, gagawin ko para hindi siya nahihirapan ng ganito lalo na't dala niya ang baby namin. Sana magising na siya.. Sana matapos na to.. Sana maging okay na lahat..

HIS PARTNER IN BED (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon