x52

22.4K 201 35
                                    

Chapter 52

Pagkalabas ng kwarto ng parents ni Jayke kasunod ang paglabas ni Angeli at Stephen, tila naman nagpalaliman ng buga ng hininga ang mga tao sa loob ng kwarto. Damang dama ang iba't ibang emosyon sa apat na sulok ng kwarto.

Ang ama ni Stephen ay nakatingin sa may labas ng bintana habang nakayuko naman si Luke at Michael. Naupo naman sa gilid ng kama ni Jayke si James at pinupunasan ito ng basang towel sa mukha. Si Alex ay nakasandal lang sa kinauupuan niya habang si Maria ay nakatulala sa kawalan.

"Bili akong coffee. Gusto nyo?" Tanong ni Alex at tumayo ito sa kinauupuan niya.

Tumango naman bilang sagot si Luke at Michael.

"James, Tito, Maria. Kayo? Ayaw nyo ng coffee?" Baling nya sa tatlo.

"Sige hijo. Less sugar." Sagot ng ama ni Stephen.

 

"Ako din bro. More cream." Sagot ni James habang hindi lumilingon.

"Sige. Balik agad ako." Hindi na inantay ni Alex ang sagot ni Maria. Maglalakad na sana siya ng magsalita ito.

"Pwede ba kong sumama?" Tanong nito.

"Why?" Nagtatakang tinignan ni Alex si Maria.

"Hmm. Papahangin lang." Sagot niya kay Alex at tinignan si Luke. "D, samahan ko lang si Alex." Tumango naman ito bilang pagpayag.

Nagpatiuna na sa paglabas si Maria habang si Alex ay nakatingin lang sa kanya habang papalabas ng kwarto.

Naglalakad si Maria papalabas ng hospital. Hindi niya din alam kung bakit gusto niyang samahan si Alex, ang tangi nya lang naiisip kailangan nila mag usap na dalawa.

Isang linggo na din kasi ang lumipas simula ng huling nag usap sila sa hidden place nilang dalawa nung mga bata pa sila. Isang linggong hindi sila nagkita at nagkaroon ng chance para makapag usap ulit.

HIS PARTNER IN BED (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon