x55

15.7K 159 22
                                    

Sinisikap ko na mag update ng mabilis. May next chapter na kong nadraft, and yes, tuloy tuloy na ang pag update ko. 

VOTE, COMMENT AND BE A FAN.

                                                    ***

Chapter 55

 

"Ilustre! Calm down! You fckin bastard!" Natataranta na rin ang boses ni Michael.

 

"Calm down? Sabihin mo sakin kung paano maging calm?" Kanina pa ako paikot ikot dito sa hallway ng hospital.

"Sht. Tumahimik na lang kayong dalawa at maupo rito!" Sabi ni Luke.

Tensyonado na kaming pare-pareho. Hindi ko na alam dapat maging reaksyon ko. Hindi na ako makapaghintay dito.

Napatigil ako sa pagpaikot ikot ng lakad ng hawakan ako ng mommy ni Jayke, "Relax ka lang hijo. Come, let's sit." Hinawakan niya ako sa braso at pinaupo sa tabi nila ni Angeli at Maria.

"Masyado ka naman kinakabahan dyan master eh." Nakangiting sabi ni James. "Pero ano na nga kayang balita?"

Natahimik kami ng ilang minuto tapos may lumabas na sa delivery room.

Si Doc Daniel.

It's been 9 months. And yes, ngayon naka-schedule ang paglabas ni baby. Kaya ganito ako katensyonado, kasi hindi ko alam kung paano mailalabas si baby kung coma pa si Jayke. Halo halo na tong nararamdaman ko. Kaba, saya, at iba pa. Ganito ba yung feeling na magiging tatay ka na?

Lumapit si Doc sa pwesto namin.

Ang tindi ng kabog ng puso ko. Parang gusto na kumawala sa katawan ko.

Hinubad niya yung mask at surgical gloves niya. At ngumiti sa amin. "Congratulations! It's a baby girl."

At sa sinabi niya na iyon, napahinga ako ng maluwag. Sa wakas, nailabas ng maayos ang baby namin ni Jayke.

Lahat sila nakangiti ngayon. Pare-preho kaming masaya ngayon kahit na madaling araw na ngayon at mamaya na ang noche buena.

HIS PARTNER IN BED (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon