x40

28.8K 130 24
                                    

A/N: Pasensya na kung natagalan ang aking pag update at maikli lang to. Ako kasi ay kasulukayan pa ring may lagnat at sipon. Paunawa lang. Marami rin kasi akong inaasikasong projects dahil Finals ko na. :) Thank you.

Dedicated sa'yo. Thanks sa pagsupport sa HPB! :* Ito na ang pinakahihintay mong update na lagi mong hinihingi sa akin twing online ako sa FB. HAHA! XD

By the way, Hello kay Marielle Cuaderno na ka-chat ko kanina. XD Certified reader ng HPB. :) Thanks sa'yo. Ü


                                                            ***




Chapter 40

Stephen's POV

Lumipas ang mga araw na puro pagpaplano ang nangyayare sa amin. Nawawalan na nga ako ng time kay Jayke kasi after class magkakasama ulit kami ng barkada. Meron pa ngang oras na nagtatanong na sya kung san ako nagpupunta, kung ano ginagawa ko twing uwian. Pagkahatid ko sa kanya sa condo niya, hindi na ako ulit nakakapunta sa kanya. Nagtataka na nga din si Angeli, kasi hindi na din siya gaano pinapansin ni Alex. Nagtatanong kasi si Jayke kung bakit daw ganito kami ni Alex. Ewan ko ba dun kay Alex kung bakit. Pero syempre, may hint na ako kung bakit nya ginagawa yun.

"Oh ano na?! Pucha! Pang isang linggo na tayong puro plano!" Iritadong sabi ni Michael.

"Ulol. Mag isip ka din kasi paminsan minsan." Sinuntok pa ni Luke si Michael sa may braso.

Nandito kami ngayon sa bahay nila James. Out of town naman lagi parents niya, e kaya ayun. Dito kami ngayon nakatambay.

"Si tito ba wala pa ding naiisip na solusyon?" Tanong sa akin ni Alex.

"Wala pa daw. Sinubukan niya daw kasing kausapin yung parents ni Angeli, pero wala daw nangyare. Kaibigan pa din daw kasi ni Tito Rommel, yung matandang mangkukulam kong ina." Paliwanag ko sa kanila.

Sabay sabay silang nagbuntong hininga sa sinabi ko.

"Eh nakausap mo na ba si Angeli tungkol dito? Tol, isang linggo na tayong namomroblema." Naiiling na sabi ni James.

"Hindi pa rin, e. Hindi ko alam kung paano ko gagawin. Lalo na't lagi silang magkasama ni Jayke." Sagot ko.

HIS PARTNER IN BED (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon