x61

11.8K 150 20
                                    

A/N: Yow, sap people? Hahahaha. Update na ko. XD Wala na akong pinagkakabusyhan. Read read read. :)

***

Chapter 61

 

"I've been calling you for several times, but you're unattended! Fck!" Tinulak ako ni Michael pagkapasok ko sa bahay ni Dad.

Napaatras ako ng wala sa oras buti na lang nasa stroller si Bless. Nagsalubong ang kilay ko.

"Ano bang problema mo?! Kasama ko yung anak ko, malamang sakanya nakatuon oras ko!" Pasigaw kong sabi sa kanya.

Parang tanga lang amputs. Pagkapasok ko pa lang yun agad yung gagawin niya, pasalamat siya hindi ko buhat buhat si Bless. Nako.

"Bobo! Malamang emergency kaya nga tinatawagan ka diba?!" Kulang na lang lumabas na yung mata niya sa sigaw niya.

Naglakad ako at nilagpasan ko siya habang tulak yung stroller ni Bless. Ibibigay ko muna siya kay Manang para makatulog siya ng maayos sa kwarto niya.

"Emergency? Wala ng mas emergency pa kapag malaman mo yung nangyare kanina." Kalmadong kong sabi sa kanya habang tinutulak yung stoller ni Bless papuntang kusina. "Manang, nandito na po kami." Tawag ko kay manang ng makita ko siyang nagtitimpla ng juice.

"Kanina? Anong nangyare? Pero teka! Bwisit ka talaga! Sumama ka muna sakin!" Hinihila nya yung kwenlyo ko.

Nanatili lang akong nakatayo at hindi nagpatinag sa higit ni Michael sa kwelyo ko.

"Nako bata ka! Kanina pa nandito yang si Michael. Haba't siya'y may importanteng sasabihin. Akin na ang anak mo, hijo." Lumapit siya sa akin at kinuha si Bless. "Hijo Michael, inumin mo na yung juice mo."

Naglakad si manang palabas ng kusina. Tsaka ko pinagtuunan ng pansin si Michael. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Bitaw nga." I glared at him.

"K." Binitawan niya yung kwelyo ko. "Sasama ka ba o hindi?" Seryoso na siyang nakatingin sa akin.

Hindi pa man ako nakakarecover sa pagkikita namin kanina ni Jayke, pero ito na naman.. May emergency na naman daw. Nauurat na ako sa buhay ko.

HIS PARTNER IN BED (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon