x49

23.6K 152 25
                                    

Chapter 49

Kalagitnaan ng gabi ay naisipan ni Jayke na magpunta sa bar kung saan sila unang nagkita ni Stephen.

Masyado na kasi talaga syang nalulungkot sa bahay ng mga magulang niya lalo na't umuwi si Joe sa sarili nitong bahay.

9pm na nung mga oras na nakarating siya sa bar. Pumasok siya sa loob at napailing na lang sa nakita.

'Wala pa ring pagbabago. Ganito pa rin sa bar na to..'

Lumapit siya sa bar stool at naupo sa dulo nito.

"Hey! 1 shot of margarita, please." Tawag niya sa bartender.

Tila nawala naman sa sarili ang bartender pero agad din naman itong napangiti.

"O ikaw pala, Ma'am. Long time no see po ah?" Nakangiting sabi ng bartender.

"Yeah. It's been a months." Matamlay na sagot nito.

"Mukhang may problema po ata kayo." Sabi ng bartender at iniabot ang order ni Jayke. "Here's your order Ma'am. One shot of margarita."

 

Tumango naman si jayke at kinuha ang baso ng alak na inabot sa kanya.

Agad niya itong ininom. At paulit ulit na umorder ng drinks hanggang sa unti unti na siyang nalalasing.

"Isha fa nge.. *huk*" Order niyang muli sa bartender. Pulang pula na siya sa kalasingan.

"Ma'am.. Nakakarami na ho kayo.. Tama na po.." Pagkausap sa kanya ng bartender. Nag aalala na kasi ito kay Jayke dahil lasing na ito at wala pang kasama sa pagpunta sa bar.

HIS PARTNER IN BED (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon