x66

5.4K 78 66
                                    

x66

(Ito yung oras na umalis si Jayke kala Stephen. Referring to Chapter 62.2)





Dumating si Maria sa bahay nya at naabutan niya yung mga lalaki na nag iinuman pa kahit madaling araw na. Nagulat siya ng makita na nandirito sa bahay niya si Stephen. Naisip niya na baka kaya nandito ito ay dahil na rin kay Jayke na kani-kanina lang ay kasama niya.

"Oh Maria. Andyan ka na pala." Bungad na bati sa kanya ni Stephen ng mapansin siya nitong nakapasok sa sala na kinaroroonan nilang magkakaibigan.


"Obviously." Natatawang sagot niya sa lalaki.

"Boom basag!" Pang-aasar ni James kay Stephen.

"Ha-ha-ha! Ulol." Sarkastikong tawa ni Stephen sabay saludo ng gitna niyang daliri sa kamay.

Nakangiti si Luke kay Maria. "Babe, tara dito. Ano ginawa niyo ron?" Sabi niya sa girlfriend niya.

Bago lumapit si Maria sa kasintahan ay tinapunan niya ng tingin si Alex na nakapikit sa may gilid at nakasandal sa sofa.
"Wala naman kung ano ano lang." Sagot niya kay Luke.


Niyakap siya ni Luke at hinalikan sa pisngi. Nagulat siya sa ginawa ng kasintahan kaya naman agad na tumingin siya sa gawi ni Alex na nakapikit pa rin hanggang ngayon.

Oo, umaasa pa rin siyang magiging okay sila. Okay na as in magkaibigan ulit, kahit hindi na magboyfriend o girlfriend. Kahit kaibigan lang, okay na siya. Ang awkward lang kasi twing nasa isang lugar sila, yung iba pinapansin nila pero silang dalawa hindi. Gusto niyang maayos yung dating sila na magbestfriend.

Pero paano?


Yun ang pinakamalaking tanong sa isipan ni Maria. Paano niya maayos ang bagay na alam niyang siya ang sumira.


Napabalik siya sa wisyo ng bumulong si Luke ng "I love you" sa tenga niya. Ngumiti na lang siya ng bahagya para maikubli yung bagay na gumugulo sa isip niya.


"I love you too." Sabi niya sa kasintahan. Bumaling naman siya ng tingin sa mga kaibigan nila na may mga tama na. "Shower lang ako, tama na yang iniinom niyo ah?"

Tumayo na siya at nagpaalam sandali. Umakyat na siya sa kwarto niya para maligo.


Halos isa't kalahating oras rin siyang nagtagal sa kwarto niya. Natagalan siya sa pagligo dahil habang nasa cr siya ay iniisip niya ang dating kaibigan. Nang matapos siyang magbihis ay  bumalik sa kinaroroonan ng mga kaibigan niya.



"Oh.. Akala ko tulog ka na?" Bungad sa kanya ni Stephen ng makababa siya.

Umiling siya. "Naligo ako eh. Uuwe kana?" Balik na tanong niya sa binata.

Nakangiting tumango si Stephen. "Miss ko na mag ina ko." Bumakas sa mukha ni Stephen ang lungkot kaya naman nakaramdam din si Maria ng lungkot para sa kaibigan.

"Magiging okay din ang lahat Stephen." Lumapit siya sa kaibigan at inihatid ito papalabas ng bahay niya.

Tinitigan niya si Stephen. "Sure kaba okay ka lang?" Napansin niya kasing namumula na ang maamo nitong mukha.

"Oo naman. Ako pa ba?" Natawa silang dalawa.

"Edi ikaw na!" Hinampas ni Maria si Stephen sa braso. "Sige na. Umuwe ka na. Mag-iingat ka ha? Uuwe din mamaya si Jayke panigurado."

Ngumiti ito sa kanya. "Sana nga." Kinurot ni Stephen si Maria sa ilong. "Sige pumasok kana. Ako na magsasara ng gate."


Tumango naman siya at naglakad na papasok ng bahay. Hindi na niya hinantay pang makaalis si Stephen.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HIS PARTNER IN BED (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon