x62.2

10.8K 162 14
                                    

***

Chapter 62

Nagising ako mula sa pagkakatulog ko. Naramdaman kong may nakayakap sa may bewang ko. Unti unti kong idinilat yung mga mata ko, at nakita ko si Stephen na mahimbing na natutulog.

'Tinupad niya yung sinabi niya na hindi niya ako iiwan..'

Umusog ako ng bahagya papalayo sa kanya para makita ko yung mukha niya. Tinanggal ko na rin ang pagkakayakap ko sa kanya.

Ang aliwalas ng mukha niya. Ang tangos ng ilong, ang pula ng labi. Napapaisip tuloy ako kung anong parte sa mukha niya ang nakuha ni bless.

Hinaplos ko yung ilong niya papunta sa labi niya pero agad ko din itong nabitawan. Parang may naalala ako sa ginawa ko na yun.

Dejavu.

Napabuntong hininga ako.

Bumabalik sa alaala ko yung dating kami ni Stephen. Malabo pa lahat, hindi ako sigurado. Pero isa lang ang alam ko, minahal ko tong lalaking nasa harapan ko.

Nakatitig lang ako kay Stephen ng imulat niya yung mga mata niya. Nakakapanghina ang mga titig niya pero sa bawat titig niya, nakikita ko yung pagmamahal.

"Kanina ka pa ba gising? Okay ka na ba? Masakit pa ba ulo mo? Gutom ka na ba?" Hinaplos niya yung pisngi ko.

Nginitian ko siya at hinawakan yung kamay niya na nasa pisngi ko. "Kakagising ko lang din.. And I'm better now. I told you not to worry, right?"

Hindi ko tuloy mapigilan mapaisip kung ganito din ba siya nung mga panahong magkarelasyon pa kami. Kung ganito din ba siya kaalaga sakin, kung niyayakap niya din ba ako ng mahigpit katulad kanina.

Nagbuntong hininga siya. "Hindi mo maiaalis sa akin na hindi mag alala. Ayoko na ulit na mapano ka!" Medyo pasigaw na sabi niya sa akin.

Ngumiti na lang ako sa kanya at muling pumikit.

Hinawakan niya ako sa balikat. "Teka. 9pm na pala. Gusto mo na bang kumain?"

Nanatili lang akong nakapikit at nagsalita. "Sabay na tayo kumain."

Inialis niya yung mga kamay niyang nakahawak sa akin. Marahan siyang bumangon. Naramdaman ko namang naupo na siya sa gilid.

HIS PARTNER IN BED (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon