🥧 25 🥧

10 7 0
                                    

Kyla Sanchez's P.O.V.

"Noong graduation party ba natin 'yon? Sa bar ni Charles?" muling tanong ni Zyrille nang hindi sumagot si Harvy.

Bakit ba ayaw niyang sumagot? Bakit ayaw niyang magpaliwanag?

"Oo," simpleng sagot niya. Huminga ng malalim si Zyrille kaya kinabahan ako at baka mawalan na rin ito ng pasensiya.

Mukha namang nataranta rin si Harvy kaya kahit nagkakanda-utal-utal ay nagsimula siyang magkwento. "S-sa ano...nasa private room tayo no'n nila Izzy a-at nagku-kwentuhan, 'di ba?"

"Tapos ano...lumabas kayong lahat. N-nag paiwan na 'ko no'n dahil nga inaantok na 'ko at balak ko nang matulog doon," nanatili kaming nakikinig kay Harvy.

"Sa totoo lang ay gustong mag-stay ni Zayra pero hindi ko pinayagan dahil alam kong parehas kayong lasing noon, kaya isinama ko siya sa paglabas," mahinang saad ni Zyrille.

"Oh tapos?" singit ni Charles.

"Hindi ko alam...nakalimutan ko na siya noong pinainom ako nang pinainom nila Siv," sabi ni Zyrille at inihilamos ang kamay sa mukha.

"Bumalik siya sa private room...nagising ako nang may naramdaman akong tumabi sa 'kin and it was Zayra..."

"Hindi ko na kayang pakinggan," umikot si Zyrille at tila kinakabahang ano... siguro ay naghalo-halo na rin ang emosyon.

"Makinig ka muna, noong nakilala ko siya ay niyakap ko lang siya dahil nga antok na antok na 'ko noon," namumula na ang mukha ko habang iniimagine ang ikinukwento ni Harvy.

Hindi ko na nga rin yata kayang pakinggan si Harvy. "And...she initiate the kissed, pero hindi ko siya sinisisi dahil nagpadala ako at mas pinalalim pa ang halikan dahilan para mawala kami sa mga sarili namin," violet na yata ang mukha ko rito, hindi na rin ako makagalaw sa kinakatayuan ko.

"May I ask kung virgin ka pa ba nung araw na 'yon?" usapang lalaki na 'to, bakit pa ako nandito? Nagmumukha akong chismosa!

Kaya nga ako narito ay para pakalmahin si Izzy, pero umalis na siya kaya dapat sumama na ako!

"Oo," mahinang sagot niya. Nagkatinginan kami ni Charles at parang nag-usap kami na tama ang konklusyon ko kanina.

"At paano kayo natigil na gawin 'yon? May pumasok ba, may witness?" seryosong tanong pa ni Zyrille.

"I think Zayra came back to her senses. She pushed me at nang mauntog ako sa sahig ay saka lang din ako natauhan sa ginawa ko. Magso-sorry na sana ako pero nagmamadali na siyang lumabas. Walang kahit anong nangyari sa 'min, maniwala ka," nakita ko ang pagtulo ng luha niya kaya nag-iwas ako ng tingin.

"Sorry, sorry talaga!" paghingi pa niya ng tawad, hindi ko siya magawang tignan dahil baka maiyak din ako.

"Sorry din sa pagsuntok ko. Nagpadala ako sa galit," paghingi rin ng tawad ni Zyrille.

"Bakit ngayon lang naikwento sa 'yo ni Zayra? B-buntis ba siya?" tanong ni Charles.

"Gago hindi, matagal ko ng itinatanong iyan sa dalawang 'yan. Ngayon lang sinabi sa 'kin ni Zayra. Mukhang nakamove-on na eh," bakas sa tono niya ang pangaasar.

"Balikan na ba or more like...closure na lang?" panggagatong pa ni Charles.

Nauna na kaming bumaba ni Charles dahil may pag-uusapan pa raw sila, tutal ay wala naman kaming teacher ngayon.

Pie in the SkyWhere stories live. Discover now