🥧 15 🥧

11 9 0
                                    

Kyla Sanchez's P.O.V.

Nagising ako sa liwanag na nararamdaman ko. Umupo ako mula sa pagkakahiga at napansin ang kumot na nakabalot sa katawan ko.

Sumakit na naman ang ulo at ang mata ko dahil sa pagpupuyat kagabi kaya nanatili muna akong nakaupo bago igala ang paningin sa paligid.

Maayos at malinis na ang table na pinaglagyan namin ng pagkain kagabi. Nasa kaliwang coach naman si Zai na may kumot din, habang nasa kanang coach natutulog si Matte.

Nanlaki ang mata ko nang biglang sumulpot si Harvy na magulo ang buhok at tila masama pa ang gising base sa pagtingin niya sa 'kin ng matalim, nagmula siya sa pagkakahiga sa carpet ko.

"Anong ginagawa mo d'yan?" tanong ko.

"Hindi ba obvious na sa carpet ako natulog? Saan mo nabili 'to? Napaka comfortable! Bibili rin ako at gagawin kong bed sheet!" May halong pagka-sarkastikong saad ni Harvy.

"Send ko yung link mamaya," wala sa hulog na sabi ko at tumayo na para kumuha ng damit at makaligo.

Pumasok ako sa kuwarto ko at natagpuan si Izzy at Dariel na komportableng naka higa sa higaan ko, yakap pa nga ni Izzy ang unan kong may mukha ni Jungkook.

"Ang daya nitong dalawa. May usapan ba sila na kung sino ang matitirang gising ay matutulog sa kuwarto ko?" bulong ko sa sarili at wala nang nagawa kundi kumuha ng damit at hayaan silang matulog doon.

Mas malambot kasi sa kama ko kaysa sa couch kaya siguradong mas maganda ang tulog nila. Pero mas malambot naman ang couch kaysa sa carpet na tinulugan ni Harvy, so I still should be thankful.

Paglabas ko ng cr ay bumungad sa 'kin ang amoy ng sinangag kaya nakangiti akong dumiretso sa kusina para malaman kung sino ang nagluluto.

"Wow naman! Salamat ah!" sabi ko at umupo na para hintayin maluto ang niluluto ni Harvy.

"Ako na nga 'tong natulog sa carpet, ako pa ang magluluto ng agahan," reklamo niya pa.

"Salamat sa sakripisyo Harvy! Mahal na mahal kita!" biglang sumulpot si Matte at niyakap si Harvy mula sa likuran.

"Yuck! Lumayo ka nga!" Natatawa akong uminom ng tubig habang pinapanood sila.

"Ang sarap namang gumising na may nakahanda ng almusal! Sa inyo na lang din ako titira, Kyla!" nag-iinat na sabi ni Zai at umupo sa tabi ko.

"Go lang," sabi ko at nagsandok ng sinangag.

"Aba! At talagang magdadala ka pa ng pabigat sa bahay? Ni hindi mo nga ako tinutulungan magluto!" sabi niya sa 'kin at nameywang pa sa harap ko.

"Nanay ba kita?" saad ko.

"Mas matanda naman ako sa 'yo ng ilang buwan kaya dapat nakikinig ka sa 'kin."

"Okay," sabi ko at nag tumbs up pa sa kanya.

"Hindi sincere, ulitin mo," inirapan ko na lang siya at nagsimulang kumain.

"Oh ito na pala ang mga nagwagi na makatulog sa kama!" nagtinginan kaming apat sa dalawang kakarating lang.

"May usapan ba kayo?" sabay na tanong namin ni Zai.

"Oo, hindi niyo alam? BWAHAHAHAHAHA!" Sinura pa nila kami sa pagtawa nila.

"Sa susunod ay hindi ko na kayo aayain! Kala niyo ah!" simangot ni Zai at nagsimula na ring kumain.

Pie in the SkyWhere stories live. Discover now