🥧 38 🥧

2 1 0
                                    

Kyla Sanchez's P.O.V.

Nagising ako ng tanghaling tapat na masakit ang ulo at ramdam ko ang pamumugto ng mata. Hindi na muna ako bumangon at tinitigan na lang muna ang masiglang kalangitan.

What does it mean? Yung kanta na tinugtog ni Izzy kagabi? Did he mean it?

Hindi ako uminom ng painkiller para sa sakit ng ulo ko, hinintay ko lang itong mawala. Nang umayos na ay pilinit kong tumayo at mag ayos dahil nagugutom na 'ko.

Actually, hindi ko naman din nakain yung kinuha kong tinapay, nakatulog lang ako kaiisip at kaiiyak.

Tinignan ko muna ang oras bago lumabas para kumain. Paglabas ay nagulat ako dahil nakaupo sa sahig si Ralff sa harap ng pinto ko.

"What are you doing?" tanong ko.

"I'm waiting you. Sabay na tayong kumain," sagot nito habang tumatayo at pinapagpagan ang pwetan.

"Why?" tanong ko habang nagsisimula na kaming maglakad papunta sa 2nd floor para kumuha ng pagkain.

"Anong why? Kaya mo bang ayain si Zai para samahan kang kumain?' panunura nito.

"Not yet pero kaya ko namang kumain mag-isa," sabi ko.

"Saka kapag nagkaayos kayo ay hindi mo na ako papansinin eh," nakangusong wika nito.

Matapos naming kumuha ng kanin at ulam ay bumaba kami para lang kumain doon mismo sa kung saan ko natagpuan si Izzy kagabi!

Kaya kahit gusto kong ienjoy ang pagkain tanaw ang dagat ay hindi ko magawa dahil paulit-ulit na nagpe-play sa utak ko ang narinig at nakita ko kagabi.

"Kyla, mamayang dinner ko balak sabihin lahat, okay lang ba?" pagbubukas ng topic ni Ralff na tinanguan ko lang.

Bakit mamayang gabi pa niya balak sabihin? Paano kung... huli na talaga ang lahat?

Yumuko ako at lalo lang nawalan ng gana dahil kung saan-saan sila lumilitaw, dumadaan sa 'min ni Ralff. Madami kami rito sila Siv, sila Dust, and even Zayra.

Ngunit hindi ko pa nakikita sila Matte, Harvy, Dariel, at Zai na dapat kong paghandaan dahil hindi ko alam kung magagalit ako sa kanila dahil sila ang unang tumalikod sa 'kin noong mga araw na kailangang- kailangan ko sila.

Mabilis kong tinapos ang pagkain ko kahit na halos isuka ko na iyon dahil nga nawalan na ako ng gana, parang hindi ko na maaitim na kasama sila, parang hindi ko na sila kilala, ang layo-layo na nila.

Sinundan ako ni Ralff sa kuwarto ko, nakasalubong pa nga namin si Izzy at hindi man lang ako nito tinignan pabalik. Nakatingin ito kay Ralff saka inirapan at nilagpasan kami.

Sinundan ko pa ng tingin si Izzy bago lumingon kay Ralff na nakangisi sa 'kin. "Ang creepy mo," saad ko at binuksan na ang pinto.

"Ralff," tawag ko ng atensiyon ng lumapit ito sa bag niya at tila may kinuha. Tumigil na muna ito at humarap sa 'kin. "Sinong sumuntok sa 'yo?" tanong ko sabay turo sa my bandang kaliwa ng labi nito.

"Yung seloso mong boyfriend! Pagdating ko doon kagabi ay 'yon agad ang ginawa niya sa 'kin saka niya ako pipiliting sabihin yung mga nalalaman ko! May saltik ba 'yon, Kyla?" sumbong nito.

"Bakit ka sinuntok? HAHAHAHAHA!" Tanong ko sabay tawa.

"Eh kasi nga nanghihingi ako ng good night kiss sa'yo! Tsh, sinura ko pa nga ang sabi ko ay kung pwedeng share kami sa 'yo eh HAHAHA!"

Pie in the SkyWhere stories live. Discover now