🥧 1 🥧

61 16 0
                                    

Kyla Sanchez's P.O.V


Huminga ako ng malalim habang hinihintay na lumabas ang huling group photo namin sa printer. Nag print ako ng mga pictures at kasama na itong group photo namin na sinend ng adviser namin sa aming gc.

Hindi ko maisip kung paano magtatagpo ulit ang mga landas namin. Umaasa na lang ako na kahit isa sa kanila ay mag-aral din sa Dionysus HS Academy kung saan ako mag-aaral ng Senior Highschool. O kaya naman ay magre-reunion kami after 5 years? 10 years? Shet sobrang tagal.



At sa tagal na panahong iyon ay natatakot akong unti-unti ko sila makalimutan. Natatakot akong maging isa na lamang silang magandang nakaraan.



"Kyla, naka-handa na ba ang mga gamit mo? Sa makalawa na ang alis natin." Nagtataka kong tinignan si mommy.



May pupuntahan ba kami? Hindi nila sinabi sa akin o nakalimutan ko?


"We are going to paris! My ghad! I forgot to mention. I'm sorry," ano daw??

Ilang minuto akong tumitig kay mommy dahil hindi pa nagsisink-in sa akin ang sinabi niya.



"Pardon?"



"May pa pardon-pardon ka pang nalalaman diyan! Ang sabi ko. PUPUNTA TAYONG PARIS,FRANCE. KAYA MAG-IMPAKE KA NA AT TUTULUNGAN NA KITA." Si mommy na mismo ang kumuha ng maleta ko na nakatago sa kabinet ko.


"PARIS?! TALAGA?! FINALLY!" Noong gabing iyon ay masaya akong nag-impake kasama si mommy.



Ilang beses ng nagkukwento si mommy tungkol sa pagpapatayo nila ng bahay na malapit sa Eiffel Tower dahil marami silang company around Italy kaya naisipan nilang magpatayo ng bahay doon kung sakali na mag vacation kami or mag stay para sa business namin.




Our business is Hotel and Restaurant. Gusto ng parents ko na i-manage ko iyon someday pero Flight Attendant ang aking nais. Ayos lang sa kanila iyon pero ang mindset ng daddy ko ay umaasa pa rin sila na magbabago ang kagustuhan kong iyon.




Nagbago naman talaga eh..



Having a group of friends is what I want right now.




▪▪▪



Nandito ako ngayon sa harap ng closet ko at naghahanap ng maisusuot para sa pagpunta ko sa mall.



Gusto ko lang na mamili ng mga iba pang kailangan ko na good for 2 months, bago magpasukan ay uuwi naman ulit kami dito para sa pag-aaral ko.



"Mommy! Nasan na si Kuya Jud?" Magpapa-service sana ako ngayon. Actually ay marunong naman akong mag drive, ayaw lang ni mommy na mag drive ako sa ngayon dahil hindi ko pa masyadong gamay ang kotse at pati na rin ang daan.


"Pina-uwi ko na si Kuya Jud. Saan ang punta mo?"

"Mm..mamimili sana ako." Ngumiti pa ako para payagan niya ako.


"Ah okay. Ikaw na ang mag drive. May tiwala ako sa iyo. Ingat!" Iniabot niya sa akin ang susi. Natutuwa ko naman itong kinuha at napayakap pa sa sobrang tuwa.




Second time niya akong pinayagan na mag drive ng medyo malayo. Noong una ay recently lang din, group project namin iyon at kasama ko ang mga groupmates ko papunta sa bahay ng leader namin. Medyo tago naman iyon at wala masyadong sasakyan na dumadaan kaya pinayagan ako ni mommy na mag drive.



Naka-ngiti akong pumasok sa mall at halos batiin na lahat ng makasalubong sa sobrang saya ng pakiramdam na tila ba sumasang-ayon sa akin ang buong mundo.




Pie in the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon