🥧 18 🥧

18 9 0
                                    

Kyla Sanchez's P.O.V.

Last 1 minute.

Parehas 74 ang score nila at talaga naman na ang bawat isa na nandito sa court ay nakakaramdam na ng tensyon. Hindi na nga makangiti si Harvy katulad kanina.

Nasa kalaban ang bola at parang inuubos ang oras. Napansin ko naman ang tanguan nila Izzy dahil sa kaniya pa rin ako nakatingin magdamag.

Noong 30 seconds na lang ay mabilis na tumakbo si Matte sa may hawak ng bola na binabantayan ni Charles kaya si Charles ay lumipat sa binabantayan ni Matte kanina kaya nung pinasa ng kalaban yung bola sa binabantayan ni Charles ay natapik niya iyon ngunit nakuha ulit iyon ng kalaban at tumakbo na para I-shoot ang bola. Mabilis na lumapit si Dariel at walang hirap na natapik ang bola, kinuha ni Matte ang bola at humahanap ng tyempo para ipasa.

10 seconds

Idinidrible pa rin iyon ni Matte at nang makakuha ng tyempo ay ipinadaan niya ang bola sa ilalim papunta sa gawi ni Izzy at nang makuha ang bola ay tumakbo si Izzy papunta sa court nila.

Ngunit huminto siya sa gitna na nagpasigaw sa mga nanonood, kahit ako ay napatayo pa sa inuupuan.

Nanahimik lang ako habang nakatayo, kinakabahan sa kung ano na namang tumatakbo sa utak ni Izzy ngunit at the same time ay may tiwala ako sa kaniya.

3 seconds

Idinrible pa niya iyon at tila tinatantsa ang layo niya. Nang tila nakakuha na ng tiyempo ay pumosisyon siya at inihagis ang bola.

"A Half court shot brought to you by Izzy Fernandez!" sigaw nung announcer yata 'yon o--basta yung nagsasalita para mas lalong ma-excite sa mga mangyayari yung mga nanonood.

"KYLA! PANALO!" Nagyugyugan kami ni Zai dito habang masayang sumisigaw.

Nagbaksakan ang confetti sa buong court habang inaabot kay Izzy ang trophy at certificate para sa iba. Matapos ang picture nila as a team ay inaya kaming lahat ni Izzy para sa picture as a section naman.

Nang makarating kaming lahat sa court ay tatabi sana ako kay Zai na lumapit kay Dariel ngunit marahan akong hinatak ni Izzy sa likuran ng damit ko patabi sa kaniya kaya kahit nahihiya ay wala na akong nagawa kundi ang ngumiti sa kamera.

Alam niyo yung pakiramdam na tumabi sa champion? Sa magaling? Maiilang ka talaga eh! I mean nakilala mo siya as a soft, calm, masungit, ganyan-ganito tapos kapag nasa court siya, balyahan kung balyahan, walang sinasanto. Oh, sinong hindi kakabahan kapag tumabi siya sa 'yo?

"Mauna na 'ko,ah? Titignan ko kung maayos na lahat sa Ultimate, see you fvckers!"

"Charles, ang bibig mo!" sita ng isang teacher nang marinig ang sinabi ni Charles.

"Ay sorry po, Ma'am!"

▪▪▪

"Zai, papunta na 'ko d'yan," sagot ko sa tawag niya.

["alam kong namimili ka pa lang ng susuotin. Take your time basta bilisan mo!"] saad niya at pinatayan ako ng tawag.

"Take your time raw tapos bilisan ko?" bulong ko sa sarili habang naghahalungkat ng damit.

Wearing my black shorts, white semi-fitted shirt na naka-tack-in, I wear a black chiffon cardigan and white flat sandal shoes na lace up, hanggang below the knee, inilagay ko sa maliit na shoulder bag ko ang cellphone at wallet ko saka kinuha ang susi at nagmamadaling bumaba.

Itetext ko na lang sila Harvy kapag nandoon na ako para wala na silang magawa.

Dinaanan ko muna si Zai na nag-aabang sa harap ng bahay nila. Pagpasok pa lang niya ay pinuna ko na agad ang suot niya.

Pie in the SkyWhere stories live. Discover now