🥧 13 🥧

14 10 0
                                    

Kyla Sanchez's P.O.V.

"Kyla! Pa-picture daw 'tong kaibigan ko." huminto ako dahil humarang sila sa aking daraanan. Siguro ay mga 4th year sila.

"Ha? Sa 'kin?" nahihiya kong tanong.

"Oo, ang ganda mo raw nung rumampa eh--aray!" nakita kong kinurot siya nung lalaki sa likod.

"Ah salamat po. Sige," pagpayag ko pa.

"'Yon! Ngayon ka lang namin na tyempohan na mag-isa baka masuntok kami ni Izzy eh HAHAHAHA!" Nahihiya pang tumabi sa 'kin ang kasama nya. Pogi ah, in fairness.

Dala ko ang aking kotse dahil gusto ko, hindi na sila nagreklamo dahil may usapan kami na magagamit ko na ang kotse ko once na sumali ako sa Ms. Intrams.

"Thank you!"umalis na agad sila at ako naman ay pumunta ng volleyball court dahil alam kong first game ang boys. Nakita ko naman agad sila Zai na naka-upo sa damuhan habang nagpa-practice sila Charles.

"Bakit ang tagal mo?" tanong ni Izzy pagkaupo ko.

"uhmm--" hindi pa man nakakasagot ay pinutol na nito ang aking mga sasabihin.

"Bakit hirap na hirap kang sabihin na may nagpa-picture sa 'yo?" masungit sa tanong niya.

"N-nakita mo 'yon?" Hala, baka abangan ni Izzy sa gate yung dalawang 'yon.

"Ay hindi, hinulaan ko lang. Siguro kailangan ko na talagang masanay na maraming nagkakagusto sa 'yo," hininaan na niya ang huling sinabi ngunit narinig ko pa rin.

"Okay lang 'yan pre, ikaw pa rin naman ang pipiliin sa araw-araw," tinapik-tapik pa ni Matte ang likuran ni Izzy.

Hindi ko na lang sila pinansin at nanood na lang ng practice nila. Kung matatalo sila ngayon ay ma-eeliminate na sila. Naninibago nga ako kay Charles na dating sobrang kulit ay nagseseryoso ngayon eh.

"Sobrang seryoso naman ni Charles akala ko ba ay mag-enjoy lang?" hanggang ngayon ay nakatatak sa 'kin na mag-enjoy lang daw kami buong intrams.

"Kasi kung sakaling matatalo sila ngayon ay ito raw ang unang beses," sagot sa 'kin ni Zai.

"Ahh, okay lang naman 'yon. Hindi naman basehan ang pagkapanalo para sabihing malakas ka. Pero siyempre iba pa rin yung nananalo, no?"

"Tama, tama!" pag sang-ayon pa ni Zai.

Ilang saglit lang ay nag simula na agad ang laban nila. 11A-STEM ang kalaban nila ngayon kaya hindi ipagkakailang lahat sila ay magaling at nagpapataas sila ng score.

Sa unang set ay nanalo kami kaya naging mas maganda ang laban noong second set.

"'Wag kayong makampante," payo ni Izzy nang magpatawag muna ng break ang 11A-STEM.

"Kinakabahan ako, Zai!" sabi ni Dariel at agad lumapit kay Zai na binigyan naman siya ng tubig.

After 30 seconds na break ay pinabalik na agad sila sa court para magpatuloy sa paglalaro.

5-6 ang score nila at lamang ang section namin ng isa. Nagpatuloy ang laban at dumami ang mga taong nanonood dahil kanina pa kami ditong 8 am at 10:28 am na.

Pie in the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon