🥧 5 🥧

29 11 0
                                    

Kyla Sanchez's P.O.V

"Parehas kayo ng score." Nakangising sabi ni Matte, may masamang balak.

"Kahit wala namang dare ginagawa niyo kaming alalay!" Nakabusangot na sabi ni Zai.

"Kapag hindi dare pwede pa kayo tumanggi pero kapag dare kahit labag sa loob kailangan sundin." Nakangising paliwanag ni Harvy.

"Start niyo ngayon! Kaya dapat sulitin ang one week trial! Tara na!" Pumunta si Izzy at Matte sa likod namin habang si Harvy ang nangunguna sa paglalakad, itinulak kami nung dalawa sa mga claw machine.

▪▪▪

Malapit ng maubos ang token namin at ngayon ay kumukuha na sila ng mga teddy bear sinubukan ko pero wala akong nakukuha! Kaya tumigil na lang ako at hinayaan sila.

Si Zai nakakunot ang noo at nagpo-focus sa gusto nyang kunin. "Go Zai! sana hindi mo makuha!" pagpapalakas ng loob na sabi ko sa kanya na sinamaan lang ako ng tingin.

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!

"Ayan! Hindi ko tuloy nakuha! Malapit na eh! Kyla kasi!" Hahampasin niya sana ako pero umiwas ako at tumawa nang tumawa.

"Yesss!"parang nanalo sa lotto kung makasigaw si Harvy kaya naman niyang bumili ng gano'n.

Syempre iba pa rin pag pinaghirapan.

Paghihirapan talaga niya yan, kuripot yan eh.

"Here, can you hold it for me?" inirapan ko na lang sya at kinuha ang tatlong stuffed toys na nakuha nya.

"Ayoko na nga!"rinig kong sabi ni Zai sa tabi ko.

Habang nagsasalita si Zai sa tabi ko ay nakita ko si Dariel kasama yung dati niyang tropa sa dati naming school.

So, hindi ako namamalikmata kanina?

"Sila Dariel ba 'yon?"tanong ni Zai kaya tumango lang ako.

"Tara puntahan natin," hihilahin na sana nya yung braso ko pero...

"Wag na nakakahiya." Pa-hard to get pa, gusto ko naman.

"Ayon si Matte lumapit na."

Miss ko ng mabuo ulit yung happiness ko noon. 'Di ba ang babaw ng kaligayahan ko noon. Magtabi-tabi lang kami masaya na ko at take note ako lang ang nakaka alam.

"Dariel!" tawag ni Matte.

"Matte! saan ka lumipat ng school?" wala bang kumusta muna? kung saan agad nag-aaral eh o baka nagkita na sila kanina sa bookstore??

"Dionysus HS Academy, kaklase ko sila." tumingin sa'min si Dariel.

"Hi Kyla...Zai," nginitian ko lang siya at hindi naman nagtagal ang titig niya sa 'kin kasi parang napako ito kay Zai.

Noong tinignan ko naman si Zai ay malawak din ang ngiti niya kay Dariel.

Matapos ang pangyayaring 'yon ay nasa Dairy Queen naman kami ngayon at kumakain.

Nag kontro pa kami ni Zai para ilibre silang tatlo! 

"Kasama ba sa pagiging alalay ang manlibre?!" Halos mag-usok na ang ilong ni Zai habang dumudukot sa wallet.

"Oo naman!"

"Nakakatakot naman 'tong dalawa baka takbuhan tayo, kaya dapat.." Binitin ni Harvy ang sasabihin kaya napalingon kaming lahat pati ang staff sa Dairy Queen.

Pie in the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon