🥧 9 🥧

27 11 0
                                    

Kyla Sanchez's P.O.V.

Umayos ako ng upo mula sa pagkakahiga dahil nararamdaman kong hindi na normal ang paghinga ko. Ilang beses kong pinakalma ang sarili at huminga nang huminga ng malalim ngunit parang mas lalo lang itong lumala.

"Tsk," nahihirapan at nanginginig ko ng hinanap ang nebulizer ko na nakalimutan ko na kung saan ko naitago. Medyo matagal na kasi ang huling pag-atake ng hika ko.

Inilabas ko ang lahat ng laman ng drawer ko hanggang sa pinaka-ibaba nito at doon ay natagpuan ko iyon. Ipinag sawalang bahala ko na muna ang mga kalat na ginawa ko at tumakbo sa cr para i-ayos ang nebulizer ko.

Nahihirapan kong ipinagdikit-dikit ang mga kailangan na halos mawalan na ako ng balanse sa sobrang hilo at kawalan ng hangin. Pagkasaksak ko ay binuksan ko na agad ito at isinuot ang mask.

Pinahid ko ang luha na namuo dahil sa sobrang hirap at sakit. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa sink habang tinitignan ang sarili sa salamin.

Sa ganitong mga pagkakataon, ayokong may nakakakita sa akin kung paano ako mag-suffer, ayokong nakikita sa mga mukha nila ang pag-aalala at ang awa sa 'kin, kaya I've been doing this all alone, nasanay na rin ako lalo na't lagi rin naman silang nasa trabaho.

Ilang minuto lang ay unti-unti ng bumalik sa normal ang paghinga ko, hinihintay ko na lang na maubos ang gamot na inilagay ko sa nebulizer. Pagkatapos ay itinabi ko na lang muna sa labahan ko ang nebulizer at hinagilap naman ang inhaler sa makalat na kuwarto.

Kapag maayos na ang pakiramdam ko ay saka ko na iyan ililigpit. Maybe tomorrow.

Kumportable akong sumandal sa headboard, hinang-hina at nakapikit na ginamit ang inhaler.

▪▪▪

"Good afternoon students. Please be seated at hindi ko na ito patatagalin. Alam niyo naman siguro na nalalapit na ang intramurals sa school natin and let me discuss the rules and regulations pati na rin ang mga dapat niyong malaman regarding sa intrams natin." panimula ng dean.

Nandito kami sa closed gym na katabi lang ng building namin at talaga namang tumatagaktak ang mga pawis namin dito.

"Matte! Ako naman! Kanina ka pa diyan!" nakabusangot na ibinigay ni Matte kay Harvy ang pamaypay na gawa lang sa sirang cover ng notebook ni Dariel.

Ako naman ay kanina pa pinupunasan ang pawis na paulit-ulit na tumutulo, habang si Zai ay prenteng naka-upo lang sa tabi ko dahil pinapaypayan siya ni Dariel.

"Hoy! Kanino mo nakuha yung pamaypay? Sali mo nga 'ko!" siniksik ko si Zai para mahanginan din ako.

"On Monday which is the first day of our intramurals we will have a Mr. And Ms. Intramurals so ready your representatives!" Nagpatuloy lang sa pagsasalita ang dean ngunit tila kakaunti lang ang nakikinig dahil mga init na init.

Two days na rin ang nakalipas matapos akong atakihin ng hika. Hindi nila alam na may ganoong nangyari and I am really glad about that.

"On the next day, we will need a lot of colour party poppers for the... Opening of the games!" Naghiyawan ang mga estudyante sa gym dahil siguro sa excitement.

Matapos kumalma ng mga estudyante ay ipinaliwanag ng dean ang mga rules, regulations, rewards, at ang mga benefits na makukuha namin sa magaganap na intrams.

Pie in the SkyWhere stories live. Discover now