🥧 4 🥧

32 11 0
                                    

Kyla Sanchez's P.O.V




"Bakit hindi mo sinabing makikipag kita ka sa iba, ha?!" Nandito pa rin kami sa gilid ng convenience store at pinapagalitan niya ako.


"Hindi ko naman alam na kailangang updated kayo sa mga lakad ko." Mahinang sagot ko.


"Tsk. Hindi mo ba alam na may masama na 'yong balak sa 'yo?"


"Nahahalata ko naman--"


"Oh! Eh bakit sasama ka pa?!" Natahimik ako at nagbaba ng tingin. Tama siya, nahahalata ko na sa mga ngisi niya pero bakit sasama pa rin ako?

Siguro nabulag ako sa kagustuhang maramdaman ang mga bagong bagay.

"Tandaan mo ang mukha na iyon at 'wag na 'wag ka ng lalapit doon. Naiintindihan mo?" Tumingin ako sa kanya at nagtataka.


"Bakit?" Bigla na lamang iyon lumabas sa bibig ko.


"Tsk. Basta iwasan mo na lang 'yon. Masamang tao 'yon." Sabi niya at pumasok sa driver's seat.


Paanong masamang tao? Hala! Rapist ba 'yon?! Baka naman mamamatay tao?! O ka--


*Beep!*


Nagulat ako ng businahan ako ni Izzy. "Tumabi ka diyan kung ayaw mong sumabay pauwi." Nagtatatakbo naman ako papasok sa kotse. Baka mamaya ay balikan ako ni Mark at matuloy pa ang pinaplano niya sa akin.


▪▪▪


Lumingon ako sa likod ng may kumalabit sa 'kin, ngunit ngumiti lang si Harvy. Sinamaan ko lang siya ng tingin at nag focus na ulit sa pakikinig.


Hanggang sa nagsunod-sunod iyon at sinabayan pa ng pagtawag. Pero hindi ko na pinapansin.


"Then multiply to the expo--Mr. Pascual!" buti nga.


"Yes Ms. Castillo?" painosente pa kitang-kita naman, siya lang naman maingay eh.


"Labas!" Tumayo si Harvy at tinignan ako ng masama.


"Ikaw kasi eh ayaw mo agad tumingin," bulong pa nya.


"Eh kasi nga nag--"pinutol ni Ms. Castillo ang sasabihin ko sana kay Harvy.


"Ms. Sanchez!"tumingin ako kay Ms. Castillo.


Pie in the SkyWhere stories live. Discover now