🥧 19 🥧

14 9 0
                                    

Kyla Sanchez's P.O.V.

Iminulat ko ang aking mata at tanging malabong ilaw lang ang aking natatanaw.

Sinubukan kong lumingon sa paligid ngunit hindi ko maigalaw ng maayos ang aking leeg kaya nanatili ang aking paningin sa ilaw na nagbibigay ng liwanag sa kwartong ito.

Buti na nga lang ay may ilaw, kung wala ay pagkakamalan ko pang nabulag ako at mas lalong mataranta.

Hindi ko alam kung nasaan ako o anong nangyayari sa 'kin kaya pinilit kong isipin ang buong nangyari. Dumaing ako nang kumirot ng todo ang sentido ko ng ilang minuto ang itinagal at nang makaramdam ng kapayapaan ay muli akong nagpatalo sa aking katawan.

▪▪▪

Naramdaman ko ang paggising ng aking diwa at hindi pa man naimumulat ang mata ay nag flashback na sa akin ang buong nangyari. Simula nung umalis ako sa bar at nag drive ng nakainom hanggang sa may bumusina sa 'kin at magpagewang-gewang hanggang sa bumangga ang kotse ko sa puno at ang lalaking nakakita at tumulong sa 'kin.

Napamulat ako ng mata at agad napaupo, sinapo ko ang aking ulo nang sumakit iyon dahil sa aking pagtayo. "Kyla," agad akong dinaluhan ni Izzy at pinaayos ng pagkakasandal.

Tumulala ako sa patay na tv sa harap ko at naalala kung bakit wala ako sa sarili noong mga oras na iyon, iniisip ko si Izzy.

Kaya naiilang akong tumingin kay Izzy na tila may sinasabi yata sa 'kin. "Kyla, naririnig mo ba 'ko?" marahan akong tumango at nag-iwas ulit ng tingin.

"Sabi ko, may kailangan ka ba?" marahang tanong niya.

"I-I-I...mmm..." nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kaniya, wala ba si Zai? Bakit si Izzy lang ang nandito? Anong oras na ba? O anong araw na?

May pupuntahan pa pala akong concert!

"Kyla, ayos ka lang? Teka, tatawag ako ng doktor," sabi niya at akmang lalabas nang pigilan ko siya sa paghawak sa braso niya. Agad ko iyong binitawan matapos kong umiwas sa titig niya.

"I need to pee," mahina at mabilis kong saad.

"Sus 'yun lang pala eh. Tara, sasamahan kita sa cr," sabi niya at inilipat ang suwero sa may gulong at tinulungan akong makatayo.

"W-what?" gulat na tanong ko.

"Sa labas lang ako, tara na," walang salita kaming nakarating sa cr. Ipinasok niya ang suwero at isinara ang pinto para sa 'kin. At dahil malakas ang pakiramdam ni Izzy ay feeling kong nararamdamn niya ang awkwardness na ipinapakita ko sa kaniya.

Ilang beses pa ako huminga ng malalimat kumuha ng lakas ng loob bago buksan ang pinto. Nakangiti namang bumungad sa 'kin si Izzy at kinuha ang suwero ko at muli akong inalalayan palabas.

Pag-upo ko sa kama ay may kumatok at sumilip ang isang nurse na may dalang tray ng pagkain for breakfast, sinalubong iyon ni Izzy at nagpasalamat sa nurse bago umupo sa tabi ko.

"Hindi mo ba ako tatanungin kung anong nangyari?" tanong ko.

"Kumain ka muna," saad niya at akmang susubuan ako ng agawin ko sa kaniya ang kutsara. "Kaya ko."

"By the way, what day today?" kinabahan ako nang maalala ang about sa concert, nalagpasan ko na ba ang araw?

"It's just Saturday. So, magpagaling ka na agad para makapunta ka sa concert sa Monday," nakahinga ako ng maluwag at tinuon na lang ang pansin sa lugaw na kinakain.

Pie in the SkyWhere stories live. Discover now