🥧 12 🥧

19 11 0
                                    

Kyla Sanchez's P.O.V.

Kahit na sabihin at paniwalaan mo ang sarili mo na ikaw ang pinaka the best, ikaw na ang pinaka magaling, kapag hindi ikaw ang nanalo ay mai-insecure ka. Sasabihin mo sa sarili mo na 'Ah may mas magaling pala sa akin', 'Akala ko enough na yung mga pinakita ko hindi pa pala'. Na parang sa lahat ng ginawa at pinagdaanan ko kulang na kulang pa rin.

Pero ng dahil sa kanila, pinaniwala nilang enough na ako, magaling ako, at deserve naming mag celebrate para sa araw na 'to. Nanalo man o hindi.

"Nasaan na sila Harvy?" tanong ko pagpasok namin sa kotse ko. Sa likod nila ako pina upo at si Travis or si Siv? Ang may hawak ng manibela habang katabi ko si Zai dito sa likod.

Simula kasi nung dumugin nila ako kanina ay hindi ko na nakita sila Izzy at Harvy.

"Si Harvy ba talaga ang hanap? O yung kaibigan?" tanong ni Siv?

"Teka, sino ka ba?" tanong ko sa naka-upo sa passenger seat.

"Ito naman, nagbibiro lang ako hindi na agad ako kilala," nagsimula na kaming lumabas ng school.

"SERYOSO KASI! Hindi ko kayo ma-identify eh!" natawa sila parehas kaya sinamaan ko sila ng tingin kahit hindi nila ako nakikita.

"Mas pogi ako, Kyla," sumilip sa salamin yung nagda-drive.

"Ang panget-panget mo nga!" reklamo agad ng kambal niya.

"Magkamukha lang tayo eh!" Parehas kaming nagpigil ni Zai ng tawa ngunit pareho ding nabigo kaya ipinaglakasan na namin ang pagtawa.

"Magka-ugali pa! Buti hindi nalilito sa inyo sila Charles?" sabat ni Zai.

"Mas mabait ako!" agad na dugtong ni...? ahh basta sabi nung nagda-drive.

"Ako ang mas mabait! Kyla, Zai, ito ang tandaan niyo ah." humarap sa 'min yung nasa passenger seat.

"Huwag kayong maniniwala sa sasabihin niyan! Bibilugin lang niyan ang mga utak niyo!"

"Travis San Jose! Manahimik ka na nga d'yan! Nakikita niyo ba 'to?" tinuro ni Siv ang right jaw line niya na may tatlong maliliit at magkakasunod na nunal.

"Tatlo yung sa 'kin. Dalawa lang ang kay Travis," parehas kaming lumapit ni Zai para makita ang nunal nilang isa lang ang pinagkaiba.

"H'wag mo sabihing hahanapin at bibilangin pa namin ang nunal niyo para makasigurado?" um-agree naman ako sa sinabi ni Zai.

"Mas malaki ang muscle ko kaysa kay Trav! Tamad kasi 'yan!" Ipinakita pa niya sa 'min ang braso niya at binunggo ang kay Trav.

Baka nakakalimutan niyang nagmamaneho si Travis? Paano kung mabangga kami? Maililigtas ba kami ng muscle niya?!

"Mas maganda naman ang pangalan ko kasya sa 'yo, Tarsiv San Jose!" naitikom ni Siv ang bibig at masamang tumingin kay Travis!

"Nauna ka lang lumabas! Nakikipag-unahan kasi 'to! Paano kasi hindi alam ng magulang namin na kambal ang nasa tiyan niya kaya ang ginawa binali-baliktad na lang yung Travis. Eh 'di sa susunod na lumabas mapupunta ang Tarsiv na pangalan," sumbong sa 'min ni Siv masamang- masama ang loob.

Pie in the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon