Chapter 19: New Chapter

820 30 2
                                    

Maxine's POV

Hindi ako nakatulog magdamag kakaisip ng gagawin ko. Para akong sinampal ng reyalidad sa mga sinabi nila Lorraine at Cyan. Na-realize ko na tama naman sila, kaya kong kalimutan at isantabi ang nararamdaman ko kay Jude. Huminga ako nang malalim, napagdesisyunan ko na ito. Mag so-sorry ako sa kanila at magpapatulong na mag move on. Siguro nga, much better kung kami nalang ulit tatlo, walang asungot sa buhay namin.

Maaga akong nagising upang ipaghanda sila ng makakain. Iba nga ngayon, usually kasi ako or 'di kaya si Cyan ang laging late na gumising. At napagtanto ko rin na nawawalan na kami ng time sa isa't isa na mag be-bestfriends.

So, this is it. Bukod sa makakatulong ito sa unti-unting pagkalimot ko kay Jude, makakatulong rin ito sa pagbibigay oras naming magkakaibigan sa isa't isa.

Habang kumakain kami, nakita ko silang ngumiti nang patago. Siguro nga marami na ang naiinis sa akin dahil sa katangahan ko. Ngayon ko lang talaga napagtanto. Actually, hindi naman ako dapat nagkakaganito. Sino ba naman kasi ang tangang babae na iiyakan ang isang lalaki na ginawa ka lang rebound? E'di ako!

Pagtapos namin kumain, paakyat na sana sila ng tawagin ko sila.

"Lorraine, Cyan!"

Ambilis naman nila lumingon, kunyari pang nagtataka sila nang tawagin ko. Siraulo rin talaga ang dalawang 'to.

"Why?" sambit ni Lorraine.

Yumuko ako bago nagsalita, "Sorry.." Hindi ko namalayan na nasa harap ko na sila.

"Sure?" paniniguro nila, iyong tono pa nila parang nang-iinis na hindi mo mawari.

Tumango ako. Narinig ko na ang kanilang pagtawa, kasabay no'n ay in-extend nila ang kamay nila at saka sumigaw si Cyan, "Group hug!"


"Thank you so much!" sambit ko. Maya-maya pa'y hinila nila ako papunta sa kwarto ko.

"We will help you to move forward." Kumuha ng malaking box si Lorraine. Nagtataka naman akk kung saan galing iyon.

"Para saan 'yan?" tanong ko.

"Well, dito ilalagay lahat ng binigay ni J sa'yo."

Kumunot ang noo ko, "Huh, J?"

Tumawa naman siya at nag peace sign. Ah, okay! Nakuha ko na. Nakaupo lang ako sa kama habang pinapanood silang dalawa na ilagay ang mga bagay na makapagpapaalala sa akin ng tungkol kay Jude. Pati ang big teddy bear na binigay nito sa akin noong the next day na sinagot ko siya.

Hinayaan ko nalang sila gawin 'yon, itatabi lang naman daw nila. This is the easiest way para maka-get over. Siguro? Sana.


Pagkatapos ng araw na 'yon, walang imikan sa amin ni Jude pagpasok namin sa klase, gano'n rin sa iba. Walang nagtangka na mag-open ng topic tungkol sa aming dalawa. Awkward pala ng ganito, para kaming mga hangin sa isa't isa.

"I miss them together!" sa tuwing nakakarinig ako ng gano'n, hindi ko nalang pinapansin. Nakakaloko sila.

Sunod-sunod na araw na lagi kaming magkasama tatlo. Pansin ko rin na parang mas naging blooming si Cyan mula nang magpaikli siya ng buhok at magtanggal ng kaniyang salamin. Natuto na siyang mag-ayos ng sarili, hindi na puro libro ang kaharap niya pero lately, mas naka focus siya sa academics dahil may gusto siyang talunin sa class standing, si Kean. Mortal foe sila pagdating sa academics pero may improvement naman na sa kanila ngayon kasi lagi na rin silang nagpapansinan. I also heard Kean na sinabihan si Cyan ng 'I love you' hindi ko lang alam kung mabiro or what pero tatlong beses na iyon.

The Rules of Love [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon