2. Test

47K 2.1K 287
                                    

TEST

[Xena]

Nang makapasok kami sa gate ay roon ko mas lalong nakita nang malapitan ang mga tindahan.

"A-Are those?-"

"Yup! Trolls!" masiglang sagot sa akin ni Tana.

Mga trolls ang nagtitinda sa mga tindahan. Kadalasan sa mga bumibili ay mga estudyante habang ang iba naman ay mga witches na sadyang dumayo rito. There are different creatures flying, the objects kept moving by themselves, and even wild beasts are roaming around.

Sobrang mabuhay ang paligid namin kahit may kani-kaniyang buhay ang mga tao. Iba't ibang klase ng mga paninda ang mga nakahilera sa labas, may mga herbs, mga exotic na hayop, at 'yong iba ay nagbebenta pa ng mga potions.

"Malapit na tayo Xena!" nakangiting sambit ni Tana.

Natagpuan namin ang mga sarili namin sa harap ng isa pang gate. Kailangan naming dumaan dito para makapasok sa kastilyo. Napalilibutan ito ng mga malalaking ugat at pansin ko rin ang mga maliit na fairies na kinukulayan ang mga bulaklak na nakadikit sa malaking pader.

"Ehem! Ehem! Welcome to Mageía!" masiglang bati sa amin ng mga gargoyle na nagbabantay sa gate. Matitinis ang malalakas nilang mga boses.

Umangat ang tingin ko sa gumagalaw na estatwa na nakaupo sa tuktok ng magkabilang bahagi ng gate. Agad kaming pinagbuksan nito at bumungad sa amin ang malawak na espasyo na napupuno ng mga estudyante at sa hindi kalayuan ay ang kastilyo.

Hindi ko mapigilang manibago sa paligid. Wala sa sarili akong napatanong sa babaeng kasama ko.

"Tana, bakit parang naging masyadong carefree na ang mga gargoyles? Hindi ba't sobrang mahihigpit sila rati? Tapos 'yong mga trolls? Hindi ba, hindi sila nagpapakita rati sa mga tao? Pero ngayon ay nagtitinda na sila rito," sunod-sunod na tanong ko kay Tana.

Naguguluhan akong napatingin sa kaniya. Nakapagtataka, gano'n ang pagkakaalala ko rati.

Matagal na ba talaga akong hindi nakalalabas at marami na ang nagbago?

"Of course! Natural lang naman 'yon. Wala na silang ikababahala pa! It's all thanks to Astria!" sagot sa akin ni Tana.

Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko. Parehong tumaas ang dalawang kilay ko. "What do you mean?"

She smiled. "Because of the Grimoire of Astria!" deretsong sagot niya. "Marami ang nagbago dahil sa mga ginawa niya. Sobrang nakatulong ang mga spells niya sa mundo ng mahika. Kahit ang mga creatures ay malaya na ngayong nakakalibot sa lugar ng mga tao dahil alam nilang protektado sila," pagpapaliwanag sa akin ng babaeng kasama ko.

Tila hangang-hanga si Tana habang nagkekwento sa akin. "She's the greatest witch of all time!" dagdag pa nito.

Napaiwas ako ng tingin at napaismid ako sa sinabi niya. "Paano mo naman nasabi? Nakilala mo na ba siya?" sarkastikong tanong ko rito.

"I wish! Pero sa libro ko lang siya nababasa ngayon," nadidismayang sagot niya.

"How about the Grimoire?"

"Sira ka ba Xena?! Kahit siguro isang pahina n'on ay hindi ko makikita. That's sacred kaya natural na tinago nila 'yon!"

I kept my mouth shut. Hindi na ako sumagot pa sa sinabi niya.

Sacred huh?

"Hello Students! Welcome to the Academy of Mageía!"

Nakuha ang lahat ng atensyon namin nang biglang may nagsalita sa isang enteblado. Pare-pareho naming hinanap kung saan ang nagsasalita pero nabigo kami.

Mageía High: Grimoire of AstriaWhere stories live. Discover now