20: Eye Opener.

111K 672 16
                                    

Chapter 20: Eye Opener.

Gab's POV:


"Haaay. Sana palagi na lang ganito.." Sabi ko habang nakatitig sa mukha ni Mike.

Ang sarap naman kasing gumising kapag ganitong mukha ang makikita mo e. Dito kasi kami nakatulog sa sala, kahit magkalayo kami ng kaunti, kahit napakalamig dito, ayos lang! Sulit naman e.

"Tama na ang kakatitig Gabril! Magluto ka na!" Sabi ni Mike. Bigla naman akong napabalikwas dahil sa sinabi niya. Teka, pzano nya nalaman? Nakatalikod kaya sya!

"Hala, hindi kaya kita tinititigan" Dipensa ko pa. Ganon na ba talaga ako ka-obvious?

"Sa sobrang titig mo saken hindi mo na napansin na lumingon ako sayo" Sabi nya na parang ngaasar.

"Hala, talaga! grabe ka Mike ah! Hindi kaya! Hmp!" Sabi ko sabay irap. Eh, nakakahiya ih.

"Kitang kita ko kung paano mo ko titigan, nakanganga ka pa nga e" At talagang nangaasar ang loko!

"Sigee na! Magluluto na po SIR!" Sabi ko saka ako tumayo, narinig ko pa syang magsalita.

"Pikon!" Sabi nya sabay tawa ng mahina. Parang kakaiba ngayon si Mike, parang nagiging jolly na sya, kinakausap na nya ako ng normal. Hihi, ang saya naman.

"Alis na ko" tapos na kaming kumain ng magpaalam sya, o kitams! Dati hindi sya nagpapaalam! Lumakad na sya palabas kaya’t sinundan ko sya. Nasa sasakyan na sya ng bigla ulit syang magsalita, "Gab?" Tawag nya.

"Bakit Mike may problema ba?" Tanong ko, lumapit ako sa bintana ng sasakyan nya.

"Totoo ba?"

"Ha? Totoo ang alin?" Ano kayang pinagsasasabi ni Mike?

"Si Nico." Si Nico totoo? Totoo naman talaga si Nico ah! Tao kaya ‘yun.

"Ah si Nico? Oo naman totoo ‘yun!" Sagot ko naman. Nakita kong sumimangot sya. Hala! Anong nangyari dun?

"Mahal mo ba sya?" Seryosong tanong nya. Tinatanong pa ba ‘yun? Syempre kaibigan ko ‘yun e!

"Syempre naman! Matagal na kaming magkasama nun e.." Nakangiting sagot ko. Teka! Bakit parang dumilim nanaman yung mukha nya?

"OKAY!" Sigaw nya. Tinaas na nya yung salamin saka pinaandar yung kotse nya.

"Teka Mike! Mike! Wait lang!" Habol ko pa.

"Anong nangyari dun?" Bipolar talaga!

~~

Mike's POV:

"Damn! Totoo nga! Totoo ang tungkol sakanila! Tangina talaga!"

Nakakainis lang kasi akala ko gusto nya din ako, ‘yun naman pala may boyfriend sya! Sana man lang sinabi nya sakin nung una pa! At sana hindi na lang sya pumayag na magpakasal sakin!

Kaya pala gusto nyang tumakbo nung araw ng kasal namin! Bakit pa kasi pinigilan ko sya? Kaya pala nung nagkita kami sa resto umalis sya nung nalaman nyang ako ang fiance nya!

Kaya pala ang tagal nyang sumagot ng I DO nung tinatanong sya nung pari! Kaya pala umiyak sya nung araw ng kasal namin!! Tangina talaga!

Pero bakit nya sinasabi sakin na mamimiss nya ako sa tuwing pumapasok ako? Bakit nya pinaparamdam saken na mahalaga ako sakanya? Bakit kasi ang bait bait mo? Bakit kasi ang ganda ganda mo? Bakit kasi ang sweet sweet mo?

Bed Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon