62: The Reason.

76.9K 575 25
                                    

Things don't happen for no reason, They happen to teach you something.

PREVIEW:

I look down, I realized what I have done. I have no words.. Only tears.

Chapter 62: The Reason.

Briel's POV

Flashback..

"O ano Briel? Itutuloy mo na?" napaisip ako sa tanong ni Mike. Hindi na ako dapat matakot, tama na ang tatlong taong pagtatago. Desidido na ako!

"Oo" ngumiti sya kasabay ng pagtapik nya sa balikat ko.

"Matutuwa ang kapatid mo" nung sinabi nya yun gumaan ang pakiramdam ko.

Patawarin mo ako Gab, hindi ko lang talaga alam kung paano sasabihin sayong may gustong pumatay sakin. Natatakot akong madamay ka.

"Sige na puntahan mo na sya" tumayo na si Mike at lumakad palabas ng guest room kung saan ako naroon. Ilang minuto na lang at magkikita kame.

Nagpapasalamat din ako dito kay Mike kasi kung hindi dahil sakanya baka hanggang ngayon nagtatago pa din ako.

***

Kanina ko pa sya tinitignan, ang laki nya na, mahigit tatlong taon lang akong nawala pero ang laki na ng pinagbago nya. Mas gumanda pa sya. Kausap nya na ngayon si Kinah sa labas ng resort at ako naman nandito sa guest room nakadungaw sa bintana.

Oo, alam na ni Kinah. At kagaya ng reaksyon ni Nico halos hindi din sya makapaniwala, buti na lang at nakuntiyaba namin sya. Lahat ng ito ideya ni Mike, tinulungan ko lang sya ng kaunti.

"Briel mukhang nangangatog ka na ah?" si Summer ang nagsalita. Medyo tama sya, kinakabahan ako. Natatakot na baka hindi ako maintindihan ng kapatid ko.

"Paano kung magalit sya?" nagaalangang tanong ko.

"Alam mo Briel, mahal ka ni Gab. Kaya kahit gaano mo man sya nasaktan papatawarin at papatawarin ka pa rin nya" nabawasan ang bigat ng nararamdaman ko dahil sa sinabi nya. Minsan lang kasi sya magseryoso kaya pinapakinggan ko.

"Sana nga" yun lang ang tanging nasagot ko. Sumilip din sya sa bintana, naguusap si Mike at si Gab sa baba tapos bilang pumasok si Mike, maya maya'y sumunod si Gab ng mapansin nyang wala si Kinah.

"Tara na?" yaya ni Summer. Sumama ako sakanya palabas ng kwarto.

Ilang minuto na ang nakalipas, at ayun na nga.. Sumasayaw sila Mike sa stage, si Summer, Nico, Runo. Lahat yan ideya naman ni Kinah, ayaw sanang gawin ni Mike dahil nahihiya sya pero mapilit si Kinah. Para lang matuloy sinama nya yung tatlong unggoy.

Bed Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon