16: Stranger.

120K 742 18
                                    

Chapter 16: Stranger.

Gab's POV:


"Haaay. Grabe talaga ‘yun Kinah, I can't believe na gagawin nya ‘yun, super kinikilig pa din ako hanggang ngayon" Sabi ko sakanya with matching actions pa.

Kinwento ko lang naman lahat sakanya yung nangyari kanina sa building ni Mike e, kaya eto kilig na kilig ako habang nagkukwento, lunch time kasi namin ngayon kaya malaya kameng makapag-chismisan ng kaibigan ko.

"Kaya pala nalate ka ng isa't kalahating oras kasi nakipaglandian ka pa dyan sa mylabs mo e" Sabi nya. Nag smirk naman ako sabay banat din sakanya, "Gawain mo din naman ‘yun ah!"

Nakita ko syang nag pout.

"Oy hindi ah!" Sagot nya.

"Wushu, utut mo!" Sabi ko naman.

"Hmp! Bahala ka kung ano gusto mo sabihin! Hahaha"

"Talaga! Basta ako, unti unti ko ng naaabot ang pangarap ko" Sabi ko naman habang nakangiti.

"Pagbutihin mo muna yang trabaho mo bago mo sabihin ‘yan" Sabad naman nya. Bigla namang may isang boses na sumingit sa usapan.

"Hello girls!" Sino pa ba? E ‘di si Nico!

"Oh babe kanina ka pa ba nandito?" Tanong ni Kin sakanya.

"Not really, medyo kadarating ko lang din babe" Sagot naman nya sabay halik sa noo ni Kinah. Hinalikan din nya ako sa pisngi saka nagsalita.

"How are you beautiful lady?" Tanong nya sakin habang nakangiti.

"Aba mukang good mood ang boy friend ko ah?" Sabi ko naman. Boy friend ang tawag ko kasi kaibigang lalake ko si Nico. Hehe.

Sweet na talaga kame simula bata pa, sanay na si Kinah dun kaya ‘di sya nagseselos. Girlfriend and boyfriend din yung tawagan namin kasi mahal namin ang isa't isa bilang kaibigan, kagaya nga ng sabi ko, mas nauna kong maging bestfriend si Nico kaysa kay Kinah.

"Oo naman! Nandito ang girlfriend ko e!" Banat naman nya sabay tingin kay Kinah. Haayy nakakainggit silang dalawa.

"Aysus! Bola! Hahaha" Sabi ni Kin sabay hampas kay Nico.

"O kamusta naman kayo ni mylabs mo? Hindi mo pa kame pinapakilala dun ah!" Sabi nya na parang nagtatampo.

"Medyo suplado at masungit pa din sya sakin pero ayos lang, alam mo naman, ‘yun ang gusto ko sa lalake. Huwag ka magalala pag rest day namin pareho ipapakilala ko kayo sakanya" Sabi ko naman.

Ngumiti lang sya saka ako kiniliti sa tagiliran, napaigtad ako kaya nabangga ko tuloy yung lalake na kumakain sa likod ko, pag lingon ko nakita ko syang basang basa ng juice.

"My goodness!! Ingat naman miss!!"  Sigaw ng lalake gabang pinupunasan yung polo shirt nyang basing basa na ng juice.

Bigla naman akong nagulantang sa sigaw nya, nataranta ako kaya’t nilapitan ko agad sya.

"Hala! Sorry talaga sir. Hindi ko po sinasadya" Sabi ko sabSy abot sakanya ng tissue.

Bigla namang napatayo sila Kinah sa kinauupuan nila, nilapitan nila ako saka sinamahan nila akong humingi ng pasensya.

Bed Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon