54: One wrong move.

88.8K 598 44
                                    

A smile can hide the truth, the mouth can whisper lies, but the eyes always reveal what's hidden below the surface.

PREVIEW:

I missed my idol, my hero, my body guard, my teacher, my bestfriend.. I missed him so much, I badly missed you.

Chapter 54: One wrong move.

Gab's POV

"Kyle??" nanlaki ang mata ko nang makita ko si Kyle. Sya ba? sya ba ang magiging partner ko sa project? pero.. Ano kasi e, nakakailang >.< magaling kaya yun.

"Tignan mo nga naman ang tadhana, pinagtatagpo talaga tayo Gabril" ang lakas naman mambola nito.

Haay.. Kasi naman si President e! kabago bago ko tapos may project na agad, wala pa nga akong one week dito, haay..

"So let's start?" tanong nya. Ano pa nga bang magagawa ko? sitting pretty na sya sa table ko e.

"Maybe we can start if you will sit down here and I'll sit down there" tinuro ko ang couch sa tapat ng working table ko.

Napangiti sya, "Ang aga aga ang sungit sungit mo na" hala masungit na agad yun? parang di naman sya sanay.

"Hindi ah, pinapaalis lang kita sa swivel chair ko kasi mukang nag-eenjoy ka na" ngumisi ako.

"Eto na po, aalis na.." tumayo sya at lumakad papunta sa upuan sa tapat ng table ko, ako naman ay umupo na.

"So what's the plan Architect Gab?" tanong nya. Nilabas ako ang blueprint ng project namin. "Here" iniabot ko ang copy sakanya. "Wow! done already? talagang pinaghandaan mo ako huh?" aba't loko loko talaga 'tong Kyle na 'to!

"Kyle don't drive me with that sarcastic jokes.." hindi ako galit ha, ganito talaga ako kay Kyle, parang galit makipagusap.

"You're very serious kasi, pinapadali ko lang naman ang project natin" pinatong nya ang dalawang siko nya sa table ko, nagulat ako ng inilapit nya ang mukha nya sakin "Ang hirap mo kasing pasagutin" napaatras ako

"Hey Kyle! ano'ng sinasabi mo?" lokong Kyle na to! trip ako, palage syang ganto, yung may mga sinasabing kung ano ano na hindi ko naman maintindihan, bigla na lang magsisingit ng topic na wala naman sa usapan.

"I mean, ah.. e.. nahirapan kaya akong kuhanin ang project na 'to! tapos ikaw lang pala ang makakapartner ko, kung alam ko lang e di sana I talk to you personally, e di sana wala ng kung anu anong documents pa ang pinirmahan ko!"

"Teka nga! sinisgawan mo ba ako?" tumaas ang kilay ko kasabay ng pag cross ng mga kamay ko.

Opo, ganito po talaga kame. Aso't pusa, away bati, pero normal lang naman yun samin, bata pa lang ako ganito na kame, nagaaway palage. Hindi lang halata.. Kaya nga sobrang namiss ko sya nung bigla na lang syang nawala e. Mahal ko si Kyle, dahil bestfriend sya ni kuya at dahil kaibigan ko din sya.

Bed Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon