18: Thousand Years

111K 716 12
                                    

Chapter 18: Thousand Years

Gab's POV:

"Oh buti naman at nakapunta ka? Ang aga mo ah! 5:00 pm pa lang oh!" Sabi ni Red sabay tingin sa relo nya.

Si Red nga pala yung isa sa mga kabanda ko, friend ko na sya since college kaya medyo close na close na din kame.

Si Nico, si Red, si Rien at saka si Lex, sila ang mga guy band mates ko. I'm the only girl sa band kaya bantay sarado ako dati sakanila.

Nagkakilala kaming lahat, except Nico of course, nung college, classmate ko silang lahat from first year up to fifth year ko ng architecture. Napasama lang naman ako sakanila nang dahil na din sa magaling kong kaibigan. Nahatak ako! Ang sabi nya kailangan daw ng banda nila ng vocalist na marunong sa kahit na anong instrument, kaya ayun napasubo ako! 

"Hey Gab! Naririnig mo ba ko?" Tawag ni Red.

"Ah oo naman! So, ano practice na?" Sagot ko.

"Wala pa si Lex at Rien e.." Sabi nya sabay abot ng coke in can. Bigla naman akong natahimik dahil sa isang alaala na pumasok sa isip ko. Alaala ni Mike..

Pupuntahan ko kasi sya dapat kaninang lunch e, kaso...

Nakita kong may kausap syang babae sa lobby ng building nila. Hindi naman nakangiti si Mike, hindi din naman sya mukang masaya habang kausap nya yung babae, pero bakit ganon? Ang sakit sakit pa din sa pakiramdam.

Hindi lang ‘yun, nakita ko pa silang sumakay sa kotse ni Mike, tapos mukang umiiyak pa yung babae kaya pinagtitinginan sila sa lobby. Sinundan ko yung sasakyan ni Mike hanggang sa ospital, pero ‘di ko na nagawang sumunod pa nung makita ko silang pumasok sa loob.

Para akong sinaksak nung mga oras na ‘yun, pakiramdam ko huminto sa pagtibok yung puso ko, pakiramdam ko unti unti akong pinapatay. Bigla kasing pumasok sa isip ko yung sitwasyon na buntis yung babae at si Mike yung ama at kaya sila nasa ospital kasi magpapa check up sila.

Sana mali yung naiisip ko, sana mali..

Alam ko namang wala ako sa lugar para magselos, kasal lang naman kami sa mata ng mga tao, pero alam namin sa sarili namin na laro lang ‘to na kailangang maipanalo para makakuha ang premyo.

Oo. Hindi lang dahil sa negosyo kaya kame ipinagkasundo, hindi lang din sa expansion ng business. Ipinakasal kami dahil na din sa mana, dahil sa pera!

Ayun ang pinakamatinong dahilan ko para hindi na manlaban sa kagustuhan ng parents ko, pero noon lang ‘yun! Noon lang nung hindi ko pa alam na si Mike pala ang papakasalan ko.

Ngayon, masasabi ko ng mas importante talaga ang pagmamahal kaysa sa pera, masasabi ko ng kaya kong mabuhay ng mahirap basta meron akong Mike na magmamahal sakin, kaysa mabuhay ng masagana tapos wala naman ang taong pinapangarap ko.

"Gab!" Parang nagising ako sa isang bangungot ng marinig ko ang tawag ni Nico.

"Bakit bbf?" Tanong ko.

"Si Mike ang problema mo, tama ako?" Ang galling talaga ng bestfriend ko.

"Oo tama ka" Napayuko na lang ako sa sagot ko.

"I knew it! Gab mukhang may na-mis-interpret ang asawa mo" Sabi naman nya.

Nagtaka naman ako sa sinabi nya, "ha? na-misinterpret?" Tanong ko.

Bed Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon