13: IMY.

115K 683 21
                                    

Chapter 13: IMY.

Gab's POV:


"Asaaar!! 6:00 am na pala! Alam ko 7 ang pasok ni Mike e! Hindi pa ko nakakaluto! Hala!" Sabi ko sa sarili ko habang nagmamadali sa pagluluto.

"Tsk! Naku naku! Bakit kasi hindi nag alarm yung alarm clock e! Badtrip! Baka magalit nanaman sakin si Mike mylabs!!"

"Ehem!" Narinig kong sabi ng boses sa likod, bigla naman akong nanigas sa kinatatayuan ko, pinagpawisan ako bigla.

GAAAHHHD!! narinig ba nya yung sinabi ko? Yung Mike mylabs? Sana hindi, sana hindi please.

Dahan dahan akong bumaling sa likod, at tama nga ako ng hinala. Si Mike nga!! At nakakahiyaaaa…

"K-kanina ka pa nandyan?" Kinakabahang tanong ko. Nakatingin sya sa sahig at nakasandal sa may pinto.

Sana hindi, sana kakarating nya lang.. Please Mike sabihin mong kakarating mo lang? Please?

"Oo" Sagot nya.

I'm lost!! Natigilan ako sa ginagawa ko, napayuko ako.. Katahimikan ang naririnig ko ngayon, ‘di ko malaman kung anong gagawin. Napakadaldal ko naman kasi e! Ayan tuloy!! Nakakahiya talaga!

Nabasag lang ang katahimikan ng biglang magsalita si Mike

"Gutom na ko." Sabi nya. "Ahh.. Eh, t-teka, malapit na maluto ‘to" Utal utal kong sabi sakanya.

Naupo na sya sa lamesa kaya naman mas lalo akong nataranta, hinainan ko sya, nilagyan ko ng kanin at ulam ang plato nya habang sya nakatitig lang sakin habang ginagawa ko yun. Napansin kong wala pang kutsara kaya dali dali akong kumuha, nang makakuha na ako ay nalaglag ko naman iyon kaya kumuha ulit ako, nananatili pa din syang nakatingin.

Napansin kong wala ding tubig kaya patakbo akong kumuha no’n sa ref, sa sobrang taranta ko ay nagkanda-tapon-tapon ang pitcher na hawak ko, at sa sobrang katangahan, ayun..

Nadulas ako..

Pero… Sana palagi na lang ako madulas. Bakit? Kasi hindi ako nasalo ni Mike, napasalampak ako sa sahig habang hawak hawak ang balakang ko.

"ARAAAAAYYY" Inda ko.

Pero kahit ganon masayang masaya pa din ako, kasi sa pangalawang pagkakataon kinarga ako ni Mike :)

"Tsk! Bakit ka ba kasi natataranta?!" Galit na sabi nya habang buhat buhat ako.

Yung mukha ko ang pula na, yung katawan ko nanginginig na, yung kamay ko nagpapawis na, at yung puso ko tumatalbog na! 

Dinala nya ko sa sofa, at nang ilalapag nya na ako ay mas lalo kong naramdaman ang sakit.

 "Araaayy! Ang sakit!" Mangiyak ngiyak na sabi ko. Pero okay lang, ang sarap naman ng karga ni Mike! Heaven!

Inilipat nya ako sa kabilang sofa, mas malaki kasi dun kasya ang tatlong tao ‘pag humiga, dahan dahan nya akong inilapag saka nagsalita

"Dapa!" Utos nya.

"Hah? Anong dapa?" Tanong ko. Nakahiga kasi ako sa sofa, sya naman ay nakatayo sa tapat ko kaya naman nagfi-fiesta nanaman ang mata ko sa kagwapuhan nya.

"Dapa nga!" Pasigaw na utos nya, pero hindi pa din ako gumagalaw.

"Teka teka! Mike ano bang ginagawa mo?!" Gulat na tanong ko.

Bed Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon