SPECIAL CHAPTER: I Love Gabril.

54.8K 522 29
                                    

SPECIAL CHAPTER: I Love Gabril.

A dream you dream alone is only a dream. A dream you dream together is reality.

 

Gab's POV:

 

"Kamusta naman ang bagong kasal ha?" Nakangitingtanong ko kay Kinah. Opo, kinasal na sila ni Nico last month lang at kakagaling lang nila sa honeymoon nila.

"Ang saya pala 'no Gab? Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ang saya saya mo dati nung bagong kasal kayo." Sabi nya habang nakatingala na parang nangangarap. Luka luka talaga.

"Masaya ako para sainyo, akalain mong kayo din pala ang magkakatuluyan after ng world wars nyo. Hahaha!" Sabay kaming natawa sa sinabi ko, para kaming timang na naghahampasan. Wala e, masaya lang talaga kami.

"Oh nasaan na yung dalawang inaanak ko?"

"Sinama ni Mike, pupunta lang daw sila kila mommy. Hindi na ako sumama kasi alam kong darating ka e" Napangiti sya sa sinabi ko at agad akong niyakap.

"Kinah anong problema mo? Bakit bigla ka na lang nangyayakap ha?" Biro ko sakanya.

"Adik! Wala lang, namiss lang kita." Aw ang sweet. Haha! "Kamusta na nga pala si kuya Briel? Nakita nya na ba si Sena?"

Parang bigla naman akong nalungkot dahil sa sinabi nya. Kapag naaalala ko talaga si kuya Briel at Sena nalulungkot ako ng sobra.

Napansin yata ni Kinah na bigla akong nalungkot dahil bigla syang nagsalita, "Don't worry Gab, hahanapin natin sya.." Nakangiting sabi nya, parang nabuhayan ako ng pag-asa dahil dun kaya't hindi ko naiwasang mapangiti.

"Salamat Kinah" Sabi kong puno ng pag-asa.

"Sus, ikaw pa! Teka, balita ko nagkita na kayo ni Kyle ah? Kamusta? Anong nangyari sa pag-uusap nyo?"

"Ayos na kami, nakapag-usap na din kaming dalawa, nangako din syang hindi nya na uulitin ang ginawa nya." Sagotko, tumango sya't muling nagsalita.

"Mahal ka pa din ano?"

"Ay nako, huwag na nating pag-usapan 'yun. Nananahimik na sya Kinah, hayaan na natin"

"Okay. By the way, diba anniversary nyo na bukas?" Napangiti ako dahil sa sinabi nya. E kasi naman e, naaalala nya pa pala kung kelan ang anniversary namin ni Mike :'>

"Oo, hindi ko pa nga alam kung anong ireregalo ko e."

"Alam mo Gabril, ikaw at ang twins nyo pa lang regalo na para sakanya, kahit hindi nya sabihin nakikita ko kung gaano sya kasaya dahil sainyo. Dahil sayo." Seryosong sabi nya kaya napangiti nanaman ako.

Bed Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon