6: Set Up

134K 870 10
                                    

Chapter 6: Set Up.

Gab's POV:


"Oo nga, set up na kung set up! You must thank me for that, and also tita Dred. ENJOY!" Sabi ni Kin sa kabilang linya.

"Ang galing mo Kin!! Wooh! bestfriend talaga kita! O sige na babush!" Sabi ko sakanya sabay baba ng telephone. Bruhang yun talagang inemphasize yung salitang ‘enjoy’

Ang bait talaga ng kaibigan ko, akalain mong naisip nya na pagsamahin kami ni Mike sa isang yacht? As in dalawa lang kame! Isa pa ‘tong mommy ko na tumulong sa ka-abnormalan ng kaibigan ko. Naalala ko tuloy bigla yung reaksyon ni Mike kanina nung dalhin kame ditto.

Flashback..

"Mike.." Tawag ko sakanya sa mahinang boses

"Ano?!" Sagot nya na parang galit. "Ah wala." sagot ko naman.

"Ah ma'am pasensya na po, pero kailangan talaga namin to gawin e" sabi ni mang Berto sabay takip ng panyo sa mukha ko, kahit anong gawin kong pagpupumiglas hindi pa din ako makawala sa pagkakahawak ni mang Berto.

Nagpupumiglas pa din ako sa pagkakahawak nya pero wala akong nagawa kundi ang umiyak.

"BITAWAN NYO SYA!! OR ELSE I WILL KILL ALL OF YOU" Sigaw ni Mike habang nagpupumiglas sa pagkakahawak ng mga tauhan ni daddy.

"Pasensya na sir napagutusan lang po" Sabi ulit ni mang Berto.

"DON'T TOUCH HER!!!" Sigaw ni Mike na galit na galit.

Hanggang sa unti unti ko na lang naramdaman ang panghihina ng tuhod ko kasabay ng panlalabo ng paningin ko.

Nagising na lang ako na nandito na ako sa yacht, bigla na lang ako natakot dahil nagising ako ng wala akong kasama sa loob, kaya naman tumakbo ako palabas ng kwarto para alamin kung kasama ko ba si Mike dito. Nakita ko naman si Mike sa may labas na nakatingin sa malayo kaya nilapitan ko sya.

"Mike, nasaan tayo?" Tanong ko. "Hindi ko alam" Sagot nya.

"Nawawala yung phone ko, pwede ko ba hiramin yung iyo? Tatawag lang ako kay dad" Pakiusap ko sakanya.

"Yung akin din" Sagot naman nya.

"WHAAAATT?" Nataranta ako bigla. Paano na kami ngayon? Paano kung patayin kami ditto? Oh noooo! Hindi pa ako mahal ni mylabs e, huhuhu!

Umiling lang sya sabay alis, haaay.. Bad Mike! Hindi man lang ako kausapin ng matino.

 

End of flashback.

 

Mabuti at nakahanap ako ng telepono, tinawagan ko agad si Kin para humingi sana ng tulong pero ang bruha sila naman pala ang may gawa.

Dali dali naman akong naghubad at nagtanggal ng hair pin na kanina pa nakasabit sa buhok ko, maliligo muna ko bago ako magpunta ulit kay Mike, sasabihin ko yung nalaman ko para naman di na sya magalala, maliligo na sana ako ng biglang..

"Shit!" malakas na sabi ni Mike, lumabas ako para alamin kung anong nangyari, nakita ko si Mike na nakaupo habang hawak ang noo nya.

"What’s the problem?" tanong ko.

"TSS! DAMN IT!!" Ayun lang ang sagot nya.

Bed Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon