37: Plan B (Success!!)

106K 849 71
                                    

Play the video. title: 1234. maganda yan =")

Para sayo 'tong chapter na 'to @LovelyAnnePeraltaBur maraming salamat sayo, nainspire talaga ako mag-Ud dahil sa comment mo, sa comment nyo. hihi =) lovelots! mwa! galingan mo sa major mo! ako din haha. Godbless.

Even if it hurts, you're my most beautiful pain.

PREVIEW:

"ANG SABI KO MAHAL KITA! MAHAL NA MAHAL KITA!"

"Ilang beses kong pinaramdam sayo na mahal kita pero ang manhid manhid mo. ilang beses na din akong nagplano na sabihin sayo pero palage mong sinasabotahe. tsk!"

A/N: Sa tingin nyo sino nagsabi nyan? ;-)

Chapter 37 :

Gab's POV

"Good morning" nakangiting sabi ni Mike. Nakakapagtaka naman 'tong taong 'to, ano'ng problema nya? Bakit parang ang ganda ata ng mood nya?

"Ouch!" napahawak ako sa ulo ko. "Araaay ang sakiiit" napahiga ulit ako. Tarantang lumapit sakin si Mike

"Gab?!! What's th.."

"Ang sakit ng ulo ko" kitang kita ko ang pagaalala sa mukha nya, gusto kong ngumiti kasi ramdam ko na nagwoworry sya pero 'di ko magawa dahil sa sakit ng ulo ko. Ano ba 'to? Bakit ang sakit?

"Here, inumin mo" inabot nya saken ang isang tabletang gamot kasama ng isang basong tubig, kinuha ko agad iyon at ininom.

"Dahan dahan Gabril, baka mabulunan ka"

At ayun na nga, nagdilang anghel si Mike. Nabulunan nga ako.

"Oho! Oho! Oho!" kinabog kabog ko ang dibdib ko. Natataranta namang hinagod ni Mike ang likod ko.

"Ang tigas kasi ng ulo mo! Sabi na sayo dahan dahan e!" aba! At sya pa ang galit?! Pagkatapos nya akong deadmahin kagabi! Pagkatapos nya ako paiyakin! Saktan! Pagalalahin! Tapos sya pa 'tong parang galit?!

"Next time magiingat ka!" sigaw pa nya. Napatunganga tuloy ako lalo. Ayos 'to ah! Ano nanaman ba ang problema nya?

"Tsk! Hobby mo talaga yan no?" sabi nya sabay tayo.

"Ha? Ang alin?" ano bang ineemote emote nito ni Mike? Ano'ng hobby ang sinasabi nya?

"Hobby mo na palage akong patarantahin, at ang nakakainis pa hobby mo na palage akong pagalalahanin! Tsk!" napa-nganga tuloy ako lalo. Ako pa? E diba sya nga yung gumagawa nun saken? Diba sya yung bigla bigla na lang mawawala. =__=

"Palage mo na lang akong pinagaalala. Nakakainis ka." pahabol pa nya. Tumayo sya saka lumakad papunta ng pinto. Ako naman naiwan ng walang imik. Ako pa ang nakakainis?! Hay nako Mike pasalamat ka mahal kita!

Bed Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon