44: Instant baby.

101K 971 51
                                    

This chapter is dedicated to LiLShems. Maraming salamat sa pagbabasa my dear. Godbless you and take care. Mwa!

Never regret something that made you smile.

 

PREVIEW:

Yung pakiramdam na mommy ako at daddy si Mike, ang sarap pala.

Chapter 44

Gab's POV:

"Ang gandaaaa" mahinang sabi ko. Grabe kasi ang view dito sa likod ng barkong sinakyan namin e, sa daddy daw ni Runo ito kaya naman libre kameng nakasakay dito

"Like you" nagulat ako ng may biglang nagsalita

"Kyle! Kanina ka pa ba dyan?" sabi ko habang hawak ang dibdib ko. Ang lakas naman kasing manggulat e

"You're very busy gazing things that's why you didn't notice me" seryosong sabi nya kasabay ng madilim na mukha at malungkot na pananalita

"Ha?" medyo hindi ko kasi maintindihan ang mga kinikilos nya, nitong mga nakaraang araw pakiramdam ko may problema sya

"May mga bagay talaga na nasa harap mo na hindi mo pa rin makita, mga bagay na napapansin mo nga hindi mo naman tinitignan. Kaya may nasasaktan e.. Kasi may mga ganong bagay" nakatingin ako sa kanya habang sya nakatingin sa dagat

"Ikaw naman! hindi ko lang napansin na nandyan ka pala nagtampo ka na agad dyan" hinampas ko sya ng mahina

"Yun nga e. Madalas hindi mo talaga ako napapansin" seryosong nakatingin lang sya sa malayo, walang halong biro ang itsura nya. Natahimik ako.

Ano bang problema nya? Bakit parang ang labo nya nitong mga nakaraang araw? May nagawa ba akong masama?

"Sige Gab maiwan na muna kita, medyo napapagod na din kasi ako. Bye"

"Sige" naiwan akong litong lito habang pinagmamasdan ang paglakad nya palayo.

Hindi ko talaga sya maintindihan (=_=)

 

"Uhaaaaaa!!!!!!!! Mommy yung toy ko! Uhaaaaa!!!" napansin kong may isang bata na umiiyak 'di kalayuan sa kinatatayuan ko, siguro mga 6 or 7 years old na sya.

 

"Hi little boy! Why are you crying?" napatigil sya sa pagiyak, saglit na tumitig sa mukha ko saka umiyak ulit

"Uhaaaah! I can't get my toy!" hala nagwawala na sya! Ang sakit sa tenga

"Stop crying na baby boy, kukunin ko ang toy mo. Nasaan ba?" tumigil sya tapos tumitig ulit sa mukha ko

Bed Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon