17: Bad News.

112K 701 25
                                    

Chapter 17: Bad News.

Gab's POV:


"Ano nanaman kayang problema nito ni Mike?" Tanong ko sa sarili ko habang nagliligpit ng pinagkainan ko. Hindi kasi sya kumain e, pagdating namin kanina dito sa bahay hindi na sya kumibo tapos dumiretso na sya sa kwarto nya.

Kinakausap ko naman sya pero ‘di nya ko pinapansin, mukha na kong tanga kakasalita ‘di naman pala nakikinig. Kaninang umaga lang okay naman kami, hindi naman sya ganito.

"Bipolar ka talaga Mike!' Bulong ko sa sarili ko habang nagliligpit. "Mood swinger! Nakakainis ka!"

Pero bakit nga ba sya nagkaganon? Haaayys. Hirap magkaroon ng moody na asawa.

Pero kahit na ganon sya mahal na mahal ko pa din sya, kahit na bipolar o mood swinger pa sya araw araw sya at sya pa din ang gugustuhin kong makasama

I love him very much. I love Mikekim.

~~

Mike's POV:

Sino kaya yung Nico na ‘yun?! Ang natatandaan ko, sya yung best man ko e. Pero bakit hinalikan nya si Gab sa pisngi?! Ako nga hindi pa nakakahalik kay Gab sa pisngi e! Tapos sya gagawin ‘yun kay Gab at sa harapan ko pa?! At si Gab naman parang tuwang tuwa!!

Damn it! Kung kelan ko in-admit sa sarili ko na mahal ko siya saka naman may bwiset na i-extra!

Ito na ba yung selos? Tangina!! Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng ganito! Nakakabadtrip! Bullshit!

*RING RING

Bigla namang tumunog ang cellphone ko, si Elly ang tumatawag kaya sinagot ko agad.

"Hello? Amo?" Sabi nya sa kabilang linya.

"Bakit?" Tanong ko.

"Amo may ibabalita ako sainyo, tungkol dun sa pinapa-imbistigahan nyo saken" Sabi nya. Bigla naman akong napabalikwas mula sa pagkakahiga dahil sa narinig ko.

"Sige magkita tayo sa office ko" Sabi ko.

"Pero amo gabi na, 10:00 na kaya.."

"NOW!!!" Sigaw ko sabay patay sa cellphone ko. Nagbihis naman ako agad saka bumaba, nakita kong nasa kusina si Gab habang naglilinis.

"Mike saan ka pupunta?" Tanong nya sakin pero ‘di ko sya pinansin. Nakita ko pang humabol sya hanggang sa may pinto.

"Mike gabi na, ‘wag ka ng umalis please" Pakiusap nya sakinp pero parang wala akong naririnig, ang lakas ng kutob ko, pakiramdam ko kailangan kong malaman ang sasabihin ni Elly.

"Mike!" Sigaw nya pa. Pinaandar ko na ang kotse ko, nang makalabas na ko ng subdivision ay saka ko pinaharurot papunta sa office.

Nakarating na ako sa building at nadatnan ko naman si Elly sa tapat ng office ko, may mangilan ngilan pa namang empleyado doon kaya ayos lang na dito kami mag-usap.

"Get in!" Utos ko sakanya. Pumasok naman sya saka nag-umpisang magsalita.

"Amo eto oh" Sabi nya saka lapag ng isang malaking sobre sa table ko.

Ayaw kong buksan ang sobre pero parang may nagtutulak sakin na gawin ‘yun. Dahan dahan kong binuksan ang sobre at napamura ako sa sobrang galit dahil sa nakita ko.

Bed Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon