4: The Rumor.

144K 910 32
                                    

Chapter 4: The Rumor.

Gab's POV:


"Oi Kinah nakikinig ka ba?!" Sigaw ko kay Kin, hmp! Daldal ako ng daldal yun naman pala e busy kaka internet.

"Ha? Ano yun?" Tanong nya.

"Ano ba kasi yan?!" Usisa ko.

"Aba sinisigawan mo na ko??!!" Ang harsh nya diba?

"Hala hindi ah, hm ano ba kasi yan?" Tanong ko sabay dungaw sa lappy nya

Teka, si Mike yan ah! Bakit kaya neto tinitignan ang pictures ni Mike? "Kin akala ko kaibigan kita" Sabi kong nakasimangot

"Hoy ikaw wag ka magdrama dyan! Hindi ko yan gusto no! Sayong sayo na yang Mike mo!" sabi nya na parang nainis ata sa sinabi ko

"Hala sorry naman, nagbibiro lang e.." Nagalit ata talaga, di ko madala sa una kong sorry e "Wui sorry na.."

"Uy Kinah!" Sigaw ko pero ‘di ako pinansin, busyng busy ah!

"Huwag ka magulo, di ako galit" Okay zipper mouth na.

"Gab lika! Tignan mo to!" Sabi ni Kin na parang gulat na gulat, at dahil sa curiosity ko lumapit ako para tignan

Naiiyayak ako.. huhu, meron kasing isang site sa internet na may picture ni Mike e, kissing with another girl :''(( huhuhu

HEADLINE: ATTORNEY TAN WITH HIS RUMOR GIRLFRIEND

Waaaaahhh!!! Huhuhuhu!! Ang sakit naman

"Gab, anong balak mo? Itutuloy mo pa ba ang kasal?" Tanong ni Kin.

"Oo.. Hindi ako papaapekto dyan" Sabi ko habang pinupusan ang luha ko. Kainis ka namang Mike ka e! ‘di pa tayo kasal pinapaiyak mo na agad ako!

Hindi na ko nagtataka kung bakit madaming babae ang nagkakagusto sakanya, sobrang gwapo na sobrang talino pa, pak na pak!

At the age of 24 ang dami nya ng achievement, isa na syang magaling na Architect, CEO ng TanTrade's. Corporation and now a successful Lawyer in his own Lawfirm.

I'm also an Architecture graduate, e kasi ginaya ko sya e. Iisang school lang kame nung gradeschool at dun ko sya unang nakita, pati highshcool and college. Pero after nya grumaduate nung college umalis sila dito sa Pilipinas para daw magmasteral ng Architecture sa Harvard University. After nya mag masteral and Doctoral nag aral naman sya ng Law.

It was started with infatuation, I was only grade 1 since nung una ko sya makita, and honestly, for all of those hundreds of elementary students in St Michaels Academy only Mike caught my eye.

Hindi ko naman alam na yung simpleng patingin tingin at paghanga sa kanya e crush na pala. Grade 4 na sya nun, tapos ang dame ko pang naririnig na may mga nagkakagusto daw sakanya, sya pa ang nililigawan!

Hanggang mag-highschool ganun yung set up ko, titignan sya mula sa malayo, susulyapan, palihim na bibigyan ng letter, lagi ko sya sinusundan kahit saan sya magpunta, kasakasama ko na nun sila Kinah at Nico.

At ayun nga, nung nagcollege sya sa UP sinundan ko sya at akalain mong nahatak ko pa pati si Kin at Nico, sa sobrang kabaliwan ko kay Mike pati sila nadamay sa pag-a-architecture ko. 4th year na nga sya nun nung 1st year ako e, hindi talaga ako nagblock dahil nagbabakasali ako na baka maging classmate ko sya, ayun sa awa ng poong may kapal sawi ako!

Ang dami ko ng nagpagdaanan para sayo Mike kaya hinding hindi kita isusuko. Matutuloy ang kasal naten.

"GAAAAAAABB!!!!!!!!"

"Ay butiki ka!! Ano ka ba naman Kin!" Sabi ko habang pinupunasan ulit ang mga luha na kanina pa pala pumapatak

~~

Kinah's POV:

"I said, habang maaga pa sumuko ka na" Sabi ko sakanya habang patuloy sya sa pagiyak.

"Hindi! Hinding hindi ko sya isusuko.. Kin alam mo naman kung gaano ko sya kagusto diba? Opportunity ko na ‘to at hinding hindi ko sasayangin ang pagkakataon na makasama sya" Desperada na talaga sya.

"Kahit alam mong wala kang puwang sa puso nya?" Hindi naman sa tumututol ako sa kagustuhan ng bestfriend ko ang akin lang naman habang kaya pa iwasan, iwasan na nya para di na sya tuluyang masaktan pa.

"Kahit pa isiksik ko ang sarili ko sakanya gagawin ko" Sagot agad nya, nakita kong dumilim ang mukha nya dahil sa sinabi ko.

"If that's your decision I respect it" Ayun lan ang kaya kong sabihin Gab, dahil alam kong buo na ang isip nya. She smiled bitterly, isang ngiti na may halong sakit.

"Huwag ka magalala Gab, tutulungan kita" Sabi ko sakanya para pampalubag loob, ‘di ko naman kasi sya kayang tiisin e, ngayon pa na kailangan nya ng kaibigan.

***

Bed Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon