77: Phone call.

73K 626 46
                                    

A/N: Para sa lahat ng kakabreak lang, Happy Independence Day! :-) lol. Just kidding. Ang chapter na ito ay hindi ko masyadong napag-isipan, patawad po kung waley. Babawi ako promise.

 

You can go wherever you want. In the end, you'll always come back to those who are really meant for you.

(c) anonymous

PREVIEW:

"Why you're so good to me? Even if I hurt you for so many times?"

Chapter 77: Phone call.

Gab's POV

"Mike ako naman, kanina ka pa nakayakap sa kapatid ko e." natawa ako sa sinabi ni kuya, natawa din sila habang si Mike naman napakamot sa ulo. Haha! Ang saya lang.

"Istorbo!" sabi ni mylabs with matching pout. Ay leshe, ang cute cute cute nya telege! =')

Nag-give way naman sya kay kuya, "Gab namiss kita talaga.." niyakap nya ako ng napakahigpit, "Namiss din kita kuya, sorry kanina.."

"Sshh, okay lang yun bunso" sagot nya sabay ginulo yung buhok ko. Talaga 'to! Ginagawa akong bata e.

"Ui ate Gab payakap din!" tumakbo sya samin ni kuya at naki-group hug samin, si Runo yumakap naman kay Mikah. Namiss ko 'to :)

"Runo!" napabitiw naman sya mula sa pagkakayakap ng sigawan sya ni mylabs. Dumadamoves pa kasi e.

"Mylabs talaga!" natatawa kasi ako sakanya e, over protective masyado.

Bigla namang umiyak si Bry kaya nataranta ako, papasok na sana ako sa kwarto ng makasalubong ko si Sena. Karga nya si Bryler habang ina-alo, kinuha ko sakanya si baby at kinarga.

"Ay bakit umiiyak si baby? Sshh.. Stop crying na." sabi ko, tumigil naman sa pag-iyak si Bry. Napalingon ako sakanila, lahat sila nakatingin.

 

Teka, bakit ganyan yung tingin nila?

"Hey! Something wrong?" tanong ko, napailing lang silang tatlo kasabay ng napakalaking ngiti.

Anyare sa mga yun? Nakakaloko kasi yung mga ngiti nila e, parang ewan lang. Hehe.

"Baby can I?" nagulat ako sa tanong ni Mike. Gusto nya kasing kargahin si baby Bry e, inabot ko sakanya si baby at sya naman ang kumarga.. Ayan na teary eye nanaman tuloy ako.

Hanggang ngayon kasi hindi nya pa din alam na anak namin si Bry, tapos parang ang lapit nya na agad sa baby ko. Ewan, parang nakaramdam ako ng konsensya, ang tagal ko kasing tinago sakanya yung tungkol sa baby namin, hindi nya alam na yung batang nasa harap nya yun yung baby namin.

Bed Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon