CHAPTER 27: Smile

58K 642 45
                                    

CHAPTER 27

"Smile"

Mahimbing siyang natutulog kahit pa sinabi ko sakanya kagabi na magdi-date kami ngayon. Hinawi ko ang buhok niyang tumatakip sa maamo niyang mukha. Ang inosente niyang tignan. Hindi ba siya natatakot na kasama niya ako sa iisang bahay? Lalaki pa rin naman ako.

Huminga ako nang malalim bago tuluyang naligo. Kailangan ko na talaga mag-ipon para naman sa apartment na kaming may dalawang kwarto. Kahit sa sahig ako natutulog, dapat talaga ay may sarili pa rin akong kwarto para naman nakakapaglock na siya. Ayaw naman niya akong patulugin sa sala.

"Good Morning!" Bati niya nang makalabas ako sa banyo. Nagluluto siya este nagpiprito nanaman pero mukhang may mali. Kaya naman lumapit ako sakanya at tinignan ag piniprito niya. Anak ng tinapay!

"Spicy, nasunog ko ulit. Sorry."

"Okay lang. Maligo ka na at lalabas tayo." Utos ko sakanya at saka tinanggal na yung pagkain sa palayok dahil mas sunog pa siya sa sunog. Hindi nag-iimprove ang kanyang cooking skills. May ganun pala talagang tao?

Pero hindi ko maiwasang mapangiti. At least she's trying.

Hinihintay ko siya ngayon sa labas ng apartment. Mabuti nang dito nalang maghintay kaysa naman nasa loob ako habang naliligo siya. Ayaw kong makita na basa ang book niya. Aish!

Siguro ay halos isang oras din akong naghintay bago siya tuluyang lumabas.

"Tara!" hinila niya ako palabas nitong building at saka naghanap na ng sasakyan. Hindi pa nga niya alam kung saan kami pupunta. Maski ako ay hindi ko alam kung saan ba dapat. Basta naisipan ko lang siyang ilabas ngayon dahil wala naman akong pasok at mamaya pa naman ang trabaho ko.

"Saan mo ba gustong pumunta?" Tanong ko sakanya.

"Kahit saan basta kasama kita." Aniya.

"Kahit saan basta kasama ako? Saan ba maganda?"

Nagpaganda pa naman siya tapos dadalhin ko lang siya sa turo-turo? May pera pa naman ako kaya dinala ko siya sa isang restaurant. Ayaw ko namang sumakit ang tiyan niya.

"Sure ka bang dito tayo?" nag-aalanganin pa siyang umupo ngayon.

"Oo naman."

"Yehey! Masarap kasi dito e." Sabi niya nang may ngiti pa sa mga labi niya. Kung sana kaya ko talaga ibigay lahat sakanya at hindi lang iyong paminsan-minsan lang.

Pagkatapos niyang namili at umorder ng kakainin namin ay nagpaalam na muna siyang pumunta sa CR. Matagal din siya bago tuluyang makabalik.

"Natagalan ka yata?"

"W-wala naman." Mukha siyang balisa. O hindi kaya dahil masyado na siyang napagod ngayong araw?

"Okay ka lang?"

"Oo naman." Pinilit niyang ngumiti pero halata namang peke ito.

"Sigurado ka ba? Wala bang masakit saiyo?"

"Mas okay pa ako sa maayos Aldrin, promise." She assured me.

Kaya lang kahit sabihin niyang maayos lang siya ay hindi pa rin ako mapakali. Sana sabihin niya nalang saakin kung may mga nararamdaman siyang masakit sakanya o kung ano ang nasa isipan niya.

"Sana huwag kang maglihim saakin." Iyan ang huli kong nasabi sakanya nang nasa restaurant pa kami. Na sana ay huwag siyang maglihim at ipagkatiwala naman niya saakin lahat ng inaalala niya.

***

Pagkauwi ko galing ng trabaho ay nakita ko si Lena na naghihintay saakin. Ang ganda niya talagang ngumiti.

Picture of You (season 1 and 2) (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon