CHAPTER 20: One Hour

62.9K 849 110
                                    

CHAPTER 20

"One Hour"

Nakakatamad ang mga nagdaan na araw. Hindi ko nanaman makausap si Lena. Hindi ko pa rin siya nakikita. Maski si Lady ay hindi ko rin nakikita ngayon. Hindi pa raw siya pumapasok ani ng mga kaklase niya.

Sinusubukan ko nga ulit tawagan si Lena pero wala talaga.

"Tingin niyo galit saakin si Lena?"

"Tol matino kang tao. Siguro ang galit sa'yo ay yung mga magulang niya. Ang komplikado kasi ng sitwasyon niyo." Pagkasabi niyon ni Jolo ay umalis na siya at sumama sa ibang kaklase namin. Wala talaga yung kwenta kahit kailan.

"Ge alis na ako." Paalam ko kay Aireen.

Tapos na rin lang naman ang klase kaya pumunta nalang ulit ako sa klase nina Lady para magtanong kung pumasok na ba siya.

"Hindi ulit siya pumasok ngayon." Sabi ng kaklase niya na pinagtanungan ko rin kahapon.

"Hindi pa rin ba sinabi kung bakit?"

"Hindi e."

"Sige thank you."

Kinakabahan ako. Pinagalitan ba silang dalawa? Umalis ba sila?Aish!

Napahinto ako sa paglalakad at sinubukan ulit tawagan si Lena pero wala pa rin. Kaya naman si Lady nalang ang tinawagan ko. Sa panglimang ring siya sumagot.

"Perfect timing. I was about to call you." Bungad niya.

"Si Lena? Nandyan ba siya?"

"SPICY!"

"Lena?" Bakit ba kasi magkaboses sila?

"Ako nga!"

"Bakit hindi ka sumasagot?"

"Wala saakin ang cellphone ko." Tumawa pa siya pagkatapos. Anak ng! Pinag-alala niya ako tapos patawa-tawa lang siya?

"I miss you. Okay ka lang ba? hindi ka ba nila---"

"I miss you too Aldrin kaya lang ang daming bawal e. Bawal akong lumabas. Bawal kong palitan si Lady sa labas. Aldrin..." Bigla nalang naging malungkot ang tono ng boses niya. "Namimiss na talaga kita. Sabi ko naman kasi sayo diba? Baka masaktan ka."

"Itigil mo nga iyang kakasabi niyan. Gusto lang kitang makita ngayon."

"Lena! Sino naman iyang kinakausap mo? Akin na nga. Mamaya pagalitan ka nanama---" Hindi ko na narinig pa ang sinabi ng kapatid niyang si Lady dahil naputol na ang tawag. Tatawagan ko pa sana ulit kaya lang patay na ang cellphone niya.

Bawal ko siyang makita? Ang gagong pag-ibig naman nito.

LADY'S POV

"Lady, sige na please?"

"Lena hindi ka pwedeng lumabas."

"Pero---"

"No buts Lena."

Ngayon ko lang siya hindi pinagbigyan. Ayaw kong mapagalitan siya ulit nang dahil lang sa pagiging pasaway niya. Ako ang responsible sa kung ano man ang mga gagawin niya. Hindi ko siya pwedeng pabayaan. Baka mamaya ay mapahamak pa siya sa labas.

"Nakakahinga ka naba ulit ng maayos? Hindi ka ba nanghihina?"

"Oo."

"Sigurado ka bang ayaw mong magpa-ospital?"

"Hindi nga ako pinapalabas, sa ospital pa kaya? Baka nga gusto na ako mamatay nina mommy."

"Baliw ka ba? itinakbo ka nila sa ospital pero ayaw mo naman magpa-admit doon."

Picture of You (season 1 and 2) (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon