CHAPTER 21: TIME MACHINE

59.5K 712 76
                                    

CHAPTER 21

"TIME MACHINE"

Papalayo na siya. Likod nalang niya ang nakikita ko. Pakshet! Bakit hindi ako makagalaw? Masyado akong nabigla sa mga sinabi niya. Hindi ko na alam. Naguguluhan ako.

"Sh*t! LENA!" Napatigil siya nang dahil sa sigaw ko. "HIHINTAYIN KITA! BASTA PAKIUSAP! BUMALIK KA!" Takte! Umiiyak ako nang hindi ko talaga namamalayan.

Naghihintay lang ako ng sagot galing sakanya. Naghihintay ako at alam kong maghihintay nanaman ako.

Humarap siya saakin. Hindi na siya umiiyak. Hindi ba siya nasasaktan na iiwanan niya ako? Ako lang ba? "Isang taon Aldrin. Give me one year pero kapag hindi ako bumalik, forget about me."

***

Pagkagising ko, hindi ko alam kung nanaginip lang ba ako o totoo ang lahat ng nangyari. Panaginip lang ba na nakilala ko siya? Panaginip lang ba na may minahal ako? Kung panaginip 'to, bakit ang sakit? Bumangon ako at saka humarap sa salamin. Hindi naman ako nananaginip dahil gwapo pa rin ako. Ginulo-gulo ko ang buhok ko na parang tanga lang.

"Wala nga pala akong pasok ngayon."

Pagkatapos kong maghilamos ay bumaba na muna ako para kumain. Kaya lang parang nakakawalang gana.

"May problema ba anak?" Tanong ni mama.

"Wala naman po."

"Kung wala, kumain ka. Ilang araw ka na ngang hindi nakakakain ng maayos. Pagbalik mo pa kagabi—"

"Oo na kakain na po."

Pagkatapos kong kumain ay umakyat nalang ulit ako sa kwarto ko para maligo. Nakakatamad talaga ang araw na ito. Parang may kulang. Ang dami kasing pwedeng panaginip, bakit ganun pa?

Nang matapos akong maligo ay tinignan ko na muna ang cellphone ko. Wala man lang ni isang text. Pagbukas ko sa gallery ay bigla nalang akong naiyak. Shete. Pambihirang luha. Bading ka talaga Aldrin! Takte! Ang sakit. Bakit ba hindi pwedeng hindi ko nalang siya nakilala? Nakakainis.

"Sana pwedeng ibalik ang nakaraan."

Kailan ba makakaimbento ng time machine? Kailan ba? Para makabalik ako kung saan ko siya unang nakita. Para hindi ko na siya nagustuhan. Para hindi ko nalang siya minahal.

"Takte. Heto na ba yung sinasabi mo? Bakit ang hirap mong mahalin?" Bakit parang kahit abutin ko siya ay hindi naman siya nagpapaabot?

Shete.

Natabig ko yung libro kaya naman nahulog ang litrato ni Lena noong bata siya. Paano nga ba napunta saakin ito?

Tama. Kaibigan ko nga pala siya. Ako ang unang lumapit sakanya. Ako rin ang unang nagsabi na maganda siya at hindi dahil kapatid siya ni Lady kung hindi dahil siya ay si Lena.

Mga alaala pero bakit ngayon ko lang naalala ang mga ito? Nakakainis. Parang sumasakit bigla yung puso ko. Leche. Nakakaramdam din ba sina Jolo ng ganito?

"Buhay nga naman!" Humiga ako sa kama at pumikit.

Babalik ka hindi ba?

Aish Lena! Babalikan mo naman ako, hindi ba?

***

Wala akong ibang ginawa kung hindi mag-aral. Halos masira na nga ang mata ko sa kakabasa at kakalaro ng mga games. Kadalasan ay nakasalamin lang ako.

Patapos nanaman ang taon. Last year ay December 10 siya nagpaalam. Isang taon na ang nakakalipas. Ngayon na dapat siya babalik.

"Aldrin! Mauna na ako." Hindi na kami pareho ng section nila Aireen pero pareho pa rin naman ng schedule kaya madalas pa rin kami nagkakakitaan o kaya sabay umalis.

Picture of You (season 1 and 2) (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon