CHAPTER 24: Somebody's Heart

58K 635 49
                                    

CHAPTER 24

"Somebody's Heart"

Ang daming gumugulo sa isipan ko ngayon nang dahil sa sulat na nabasa ko. Alam kong may iba siyang dahilan kung bakit nila sinasabing patay na siya. Sino ang tinutukoy niyang namatay?

"Fiance." Bulong niya. "May fiancé ako."

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko ngayon sa narinig ko. E p*tang*na pala e! Imbis na matuwa akong nandito siya ay naiinis lang ako.

Nawala ba siya dahil dito? Nakakainis!

Nagsayang ba ako ng panahon na hintayin siya o tama lang ang ginawa ko? Nandito nga siya pero parang ibang Lena naman ang kaharap ko. Bakit ba ang dami niyang nililihim saakin?

"Bakit ka nawala? Totoo bang nagkasakit ka? Bakit bigla kang umalis?" Nagpipigil lang ako ng sarili na taasan ang boses ko.

"Lena ano ba? Sumagot ka naman! Nagmumukha na akong tanga!"

Alam kong mahina si Lena sa mga bagay katulad nito pero nyeta talaga! Sana intindihin din niya na kahit lalaki ako ay mahina rin ako. Takte!

"Aldin kung alam mo lang!" Nagtataas na rin siya ng boses pero tama lang dahil hindi pa naman naririnig ng iba.

"Paano ko malalaman kung hindi mo naman ipinapaalam? Ipaintindi mo naman kasi sakin."

"Wala ka bang tiwala saakin, Lena?" Hindi ba ako dapat pagkatiwalaan at maski ako ay pinaglilihiman niya?

"Aldrin, hindi sa ganun." Hahawakan sana niya ako pero hindi niya itinuloy. Para siyang natatakot.

"THEN WHAT?"

"Aldrin." Humihikbi niyang tawag saakin. Nakakainis. "Mahal kita. Mahal na mahal kita."

Mahal pa rin naman kita. Hindi naman ako iiyak sa harapan mo kung hindi kita mahal dahil takte lang! Ni minsan wala pang pumantay sayo. Wala pa akong minahal maliban sayo at hindi ko alam kung tanga ba ako ngayon dahil hinintay kita at ganito lang rin ang mapapala ko.

***

Matagal na walang nagsalita saamin. Gabi na rin at kami nalang ngayon ang tao sa park na ito. Umiiyak lang siya at ni hindi ko man lang siya magawang yakapin ngayon. Parang nandito lang kami para umupo.

"Hindi ka pa ba titigil?" Hindi pa rin siya tapos sa pag-iyak. Ako na ang nahihirapan sakanya dahil kanina pa siya umiiyak.

"Aldrin ma—" Nasinok siya. "hal mo pa ba ako?" Tanong niya habang nakatingin siya saakin ng diretso. Lumalamig na rin ngayon.

Sa katunayan ay ayaw kong sagutin ang tanong niya. Hindi pa nga niya sinasagot ang mga katanungan ko. Isa pa 'yang fiancé nyang 'yan! Kahit gaano ko siya kamahal ay nagagalit pa ako ngayon.

Pero kahit galit ako ay hindi ko siya magawang iwanan. Ayaw kong mawala siya ulit sa paningin ko. Mahal na mahal ko pa rin talaga siya. Wala akong nagawa noong umalis siya kaya sana naman maski ngayon lang ay magsabi naman siya at nang magawa ko ang dapat kong gawin.

"Sino ang fiancé mo?" Nanlaki ang mga mata niya dahil sa tanong ko. Mukhang wala naman akong mapapala. Mukhang wala siyang balak na sabihin kung sino.

Tumayo na ako dahil sa ginagawa niyang ito ay parang sinasabi na niya saakin na itigil ko na. Ang pananahimik niya ngayon ay mas masakit kaysa noong iniwan niya ako noon.

"Aldrin. Huwag mo akong iiwanan. Please..." Hinawakan niya ako sa braso para pigilan.

"Kung gusto mong maintindihan kita ay sana naman ipaintindi mo na. Hindi naman kasi ako yung tipo ng tao na tanggap lang nang tanggap! Lena, ang sakit na kasi ng ginagawa mo saakin. Ni isa wala akong nalaman kung ano ba talaga ang nangyari saiyo! Ngayon, masisisi mo ba ako? Oo, Mahal kita! Mahal na mahal pa nga e! Pero kung ganito lang din pala edi punyetang pagmamamahal 'to kasi wala naman akong napapala!"

Picture of You (season 1 and 2) (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon