CHAPTER 23: The real one

58.8K 806 81
                                    

CHAPTER 23

"The real one"

Bumalik ako sa loob ng bahay nila. Binalikan ko ang kwarto ni Lena. Wala na yung mga nagkalat na papel kanina. Naghahallucinate ba ako? Imposible!

Nabasa ko ang nilalaman ng sulat. Sulat na ginawa mismo ni Lena. Pero kung talagang nabasa ko iyon, nasaan na? Hinalungkat ko isa-isa ang mga gamit niya dahil nagbabakasakali akong nandoon pa pero wala na talaga. Shete.

"Guni-guni ko lang yata ang lahat."

Dahil ba nakainom ako katulad ni Lady? Saklap naman.

Pumunta muna ako sa kwarto ni Lady. Imposible ring siya ang nakita ko dahil hindi naman siya makakatakbo nang katulad kanina. Tulog na tulog lang siya.

"Aldrin, salamat sa paghatid kay Lady." Si Mark. Bakit nandito pa 'to? Kung sabagay, nandito pa rin naman ako.

"Oi, pagsabihan mo 'tong girlfriend mo sa susunod." Sabi ko nalang.

Nilapitan niya si Lady at kinausap ito kahit tulog na.

"Si Lena." Bigla nalang lumabas iyan sa bibig ko.

"Bakit siya? Naaalala mo ba?"

"Tingin mo buhay siya?" Nagulat siya sa tanong ko. Hindi yata siya makapaniwala sa itinatanong ko ngayon.

"Ano naman iyang sinasabi mo? Baliw ka na yata."

"Nakita ko siya, Mark."

"You saw her? Hindi kaya guni-gunu mo lang?" Tumayo siya at itinulak na ako palabas ng kwarto ni Lady. "Ang mga lalaki hindi dapat nagtatagal sa kwarto ng babae." Aniya pa.

"Nabasa ko ang sulat niya at maski na rin siya ay nakita ko."

"Letter?"

"Huwag ka ngang magmamaang-maangan!"

"Hey! Teka lang, huwag ka ngang sisigaw."

"Pare nakita ko talaga siya."

"Hindi kaya dahil nakainom ka lang?" Ulit niya pa at naiinis ako.

"She's not dead! I saw her and you're keeping it from me!"

"Nakainom ka lang Aldrin."

"Kung ganun nga, ano yung nabasa ko? Imposibleng mawala rin lang iyon agad-agad! Nakita ko! Nahawakan ko pa nga! Nabasa ko pa!"

"Pare kalma ka lang. Alam naman nating tatlong taon na siyang wala. Hindi ko rin alam ang sinasabi mo at kung talaga ngang buhay pa siya, nasaan siya? Bakit nila sinasabing patay na siya?"

Naiinis ako dahil hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi niya o hindi. Nyetang buhay! Bakit ba kailangang ako ang dumanas nito?

Bigla ko tuloy naalala ang nakasulat sa nabasa ko. I'm now a replacement again! Not for "her" But for another girl

"Reasons?" Naguguluhan kong sagot.

Ano ba kasing dahilan kung sakali? Badtrip!

Ilang araw na ang nakalipas simula noong makita kong tinakbuhan niya ako. Ilang araw na rin akong naguguluhan. Tinanong ko si Lady pero nag-deny lang siya.

Wala akong magawa ngayon sa bahay at wala ring pasok ngayon kaya naman naglakad-lakad nalang ako hanggang sa makarating ako sa park. Wala naman din akong girlfriend na pagkakaabalahan at wala ring kwenta si Jolo dahil busy naman siya kay Aireen.

Maraming nagtatakbuhang bata sa parke ngayon at hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil bigla kong naalala si Lena. Alam ko inakyat din niya ang punong pinaglalaruan ng ibang mga bata ngayon. Babaeng unggoy talaga siya kahit kailan.

Biglang naglaho lang ang mga iniisip ko nang mapansin kong may pinagkakaguluhan yung mga bata ngayon. Mukhang may umiiyak yata.

"Ate tama na huwag ka na umiyak." Lumapit ako at tinignan kung ano ang nangyayari.

"Ate tahan na." Sabi pa nung isang bata.

"Anong problema niyan?" Tanong ko sa mga bata dahil baka hindi naman ako sagutin nung babae. Gusto kong silipin yung mukha niya kaya lang nakatago gawa ng kanyang mahabang buhok.

"Si ate ganda po kasi bigla nalang umiyak kanina."

"Miss siguro mas okay kung tumahan ka na. Nag-aalala kasi yung mga bata."

"Palibhasa hindi mo alam ang nararamdaman ko. Hindi ka naman nasasaktan dahil namimiss mo ang tao e!" Napakamot nalang ako ng ulo dahil sa sinabi niya.

"Kasi eeeh!" Napatingin ako sakanya dahil sa boses niya. Kahit umiiyak siya ay parang kilala ko ang may-ari ng boses na iyan. "Namimiss ko na kasi siya."

"Miss, iangat mo kaya 'yang ulo mo?"

"Ayaw! Ang pangit ko."

"Ate tama na."

"Natatakot na yung mga bata dahil ayaw mong tumigil sa kakaiyak---"

"Ano bang paki-a---" Natigilan siya at ganun din naman ako nang iangat niya ang ulo niya.

"Lady?" Pinunasan niya ang mga luha niya at saka tinawag ang pangalan ko.

"Aldrin." Or probably Lena?

"Lena." Pagtatama ko. Tingin ko ay nainis siya saakin dahil biglang tumalim ang mga mata niya.

"Lady. Ako si Lady." May bakas ng pagkainis sa boses niya kaya napangiti ako. Tama si Lena siya. Hindi maaring siya si Lady. Hindi ako naniniwala.

"Lady won't cry here. Hindi siya umiiyak ng malakas. Hindi niya ipinapakita sa iba na umiiyak siya."

"Ako nga si Lady!" Nagulat ang mga bata dahil bigla nalang siya sumigaw. Grabe. Hindi talaga siya minsan nag-iisip. Si Lena nga ito.

"Lena."

"Lady nga sabi! Patay na si Lena! Wala na siya!"

"Mga bata tingin ko mas okay kung maglaro na kayo doon?" Turo ko sa malayo saamin.

"Okay na ba siya kuya? Kilala mo siya kuya?"

"Okay na siya. Kakausapin ko lang ang ate niyo, hah?"

"Okay po!" Nagtakbuhan na sila palayo saamin ni Lena.

Nakaupo pa rin siya sa bench at nananatili akong nakatayo sa harapan niya. Pero hindi katulad kanina ay nakayuko nalang siya at hindi na niya ako tinitignan.

"Bakit mo ba pinapatay ang sarili mo? Lena I saw you last night. I saw your letter and I even chased you." Pero takte! Hindi kita naabutan.

"Hinintay kita at hinihintay pa rin kita hanggang ngayon. Hanggang kailan mo pa ba ako paghihintayin?" Niyukom ko ang mga kamao ko dahil sa halong inis at lungkot. Ang sakit din kasing iwanan ka ng hindi man lang sinasabi ang dahilan. Ang sabihan kang kalimutan siya pagktapos niyang sabihin na mahal niya ako.

Hindi ko na napigilang tumulo ang luha ko. Ilang beses ko ba iiyakan ang babaeng 'to?

"Lena died. I'm not Lena. I'm not her."Pabulong ngunit basag na ang kanyang boses.

"You can fool the rest but not me Lena."

"Aldrin please!" Ang hina ng boses niya at umiiyak nanaman siya. Ang hirap talagang panoorin na umiiyak siya dahil punyeta! Nakakadagdag lang sa sakit na nararamdaman ko. "Tama na."

Pagkatayo niya ay hinila ko na siya para yakapin. Leche. Siraulo na kung siraulo pero miss na miss ko na siya at wala na akong pakialam ngayon kahit na iyak na siya nang iyak. Yayakapin ko lang siya dahil ito ang alam kong tama. Ni hindi ko nga kayang magalit dahil sa pagsisinungaling niya.

"Aldrin..."

"Namiss kita." Sabi ko na dahilan kung bakit din niya ako niyakap.

"Miss na miss kita Aldrin. Kung alam mo lang... Please don't tell them. Don't tell Lady." Matagal lang kaming magkayakap na dalawa hanggang sa bigla kong naalala ang nasa sulat.

"Lena?" Marami akong gustong itanong sakanya. Sobrang dami pero isa lang talaga ang sumagi sa isipan kong itanong ngayon.

"Hmm?"

"Ano ang ibig sabihin mo sa sulat?"

Picture of You (season 1 and 2) (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon