CHAPTER 3: A DATE TO REMEMBER

113K 1.3K 151
                                    

CHAPTER 3

"A DATE TO REMEMBER"

Ano bang sinasabi ni Lady Lyn? Hindi kaya alam niyang gusto ko siya kaya naman pinagtitripan niya ako?

"Ah Lady kasi---"

"Baka isipin mong niloloko lang kita. I'm serious Aldrin. I'm dead serious." Halata nga sa mukha niya ngayon na seryoso siya.

"P-pero kasi---" Leche mas babae pa yata ako ngayon sakanya. First time ko maka-encounter ng ganito ka-agresibong babae.

"Is it a yes or a no?" Napakamot nalang ako sa ulo dahil dapat line ko 'yon.

"Oo na, sige na, yes nalang." Para akong timang. Tama ba 'yung naging sagot ko? Baka mamaya niyan ay may hidden camera pala rito tapos sinusubukan lang ako. Baka masabihan pa akong playboy.

"Yehey! May boyfriend na ako!" Tuwang-tuwa niyang pahayag. Hindi kaya ay naka-drugs siya? Huwag naman.

Ang sabi ng dati niyang kaklase hindi pa siya nagkaboyfriend tapos bigla niya akong tatanungin kung pwede niya akong maging boyfriend? Anak ng tinola baka naman desperado na siya?

"Ang weird mo." Hindi ko naman sinasadyang sabihin yan. Kaya medyo nag-alala ako sa magiging reaksyon niya.

"Weird ba? Ikaw kasi 'yung gusto kong maging boyfriend." Kaswal nyang sabi pagkatapos ay kumapit na siya sa braso ko na para bang ang tagal na naming magkakilala. Napasubo ba ako? Magmula ba ngayon ay may girlfriend na akong wirdo?

"At dahil ito ang unang araw natin ngayon ay dapat tayong mag-date!" Nagugulat nalang ako sakanya. Halos siya na nagdedecide ng lahat pero ayos na rin at least makikita ko kung may i-wiwirdo pa ba siya?

"Tara na!" Hinila na niya ako kahit hindi pa naman ako sumang-ayon sakanya. "Hmm saan ba puwedeng pumunta?" Tanong niya saakin at siya rin naman ang sumagot sa sarili niyang tanong.

"Alam ko na! Sa theme park nalang tayo!" Ang kulit pala niya. Spoiled ba siya? Hindi ba siya nakikinig sa mga sinasabi ng iba? Baka mamaya ay may binabalak siya.

***

Lakad lang kami nang lakad. Hindi ako nagsasalita at hinayaan ko siyang magdecide kung saan ba kami pupunta. Pero hindi naman pala niya kabisado ang daan papunta sa theme park na gusto niyang puntahan kaya ilang minuto rin kaming naligaw at nagtanong-tanong ng direksiyon. Sa kabutihang palad ay nakarating naman kami sa Merry Go Round theme park ng ligtas.

"Aldrin doon tayo!" Hinila niya ako papunta sa horror house pagka-apak na pagka-apak yata namin sa lugar.

"Kyaaaah! Aldrin! YUNG KAMAY! GUMAGALAW YUNG KAMAY!" Sigaw siya nang sigaw sa loob. Napapasama na lang ako sa pagtakbo niya dahil mahigpit ang hawak niya sa kamay ko.Kahit papaano ay cute naman pala siya at hindi naman weird. Natural lang ang reaksyon niya katulad ng ibang matatakutin na babae.

"Ayoko na! gusto ko na lumabas!" Ayaw na raw niya pero nakuha pa niyang umupo para magpahinga. Ako naman ay nakatayo lang sa harapan niya dahil hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko.

"A-Aldrin." May itinuro siya sa likuran ko. "Y-yung babae! Yung babae!" Nilingon ko yung babaeng sinasabi niya. Isa siya sa mga nagpapanggap na multo. Nakakatakot ba talaga ang mga taong nagpapanggap na multo?

"Nakita ko nga papalapit na siya saatin." Sabi ko saka ako tumingin kay Lady.

"Hilain mo ako patayo dali!" Natataranta niyang utos saakin "Lalabas na tayo! Ayaw ko na rito!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at natawa nalang ako. Hinila ko siya patayo at ako naman ang hinila niya nang mag-umpisa na siyang tumakbo palabas sa horror house.

Tawa lang ako nang tawa sa loob ng horror house hanggang sa makalabas kami. Dyahe! Hindi ko akalain na dahil sa horror house pa talaga kaya tuluyan akong natuwa kay Lady. Kung anu-anong pangalan na ng Santo ang mga tinawag niya noong nasa loob pa kami. Kahit papaano ay natutuwa ako sa ugaling ipinapakita niya. Walang halong arte.

"So anong next nating pupuntahan?" Tanong ko sakanya nang tuluyan na nga kaming makalabas.

"W-wait lang. Napagod ako." Niyaya ko na muna siyang umupo sa bench tutal napagod din naman ako sa kakatakbo nang dahil sakanya. Bumili na rin muna ako ng tubig dahil sobrang nainitan ako. Nakakapagod din ang ginawa naming pagtakbo kanina.

"Nasaan ang tubig ko?"Nagulat ako sa tanong niya nung makabalik ako. Ang tanga ko naman. May kasama nga pala ako.

"Wala e."

"Grabe ka! Akin na nga 'yan." Inagaw nalang niya yung tubig na hawak ko. Nakalahati ko na yun kanina.

"Nainuman ko na 'yan. Bibilhan nalang kita." Kukunin ko sana sakanya kaya lang ay inilayo niya saakin.

"Ano ngayon? Boyfriend naman kita."

"Oo pero---"

"Ayaw mo?"

"Oo na inumin mo na." Leche! Mukhang ako talaga 'yung babae sa relasyon na ito. Bakit ba nakalimutan kong bumili ng tubig niya? "Grabe! Resfreshing! Sa roller coaster naman tayo!" Excited siyang tumayo at hinawakan ang kamay ko. Para talaga akong may kasamang bata ngayon pero kahit papaano ay nakakatuwa naman siya kahit na minsan ay napapatingin na saamin ang ibang tao dahil sa kaingayan niya.

"Huwag doon. Ayoko."

"Bakla ka pala e! Dali na!" Kung papayag ako para ko na ring itataya ang buhay ko dahil lang gusto niya. Hindi talaga maari dahil madali akong mahilo.

"Sa ferris wheel nalang kasi. Tignan mo oh matatanaw pa natin ang lahat." Turo ko dito. Napatingin naman siya sandali pero agad din niyang hinawakan ang kamay ko at tumingin sa ibang direksyon, direksyon kung nasaan ang roller coaster.

"Ayaw ko! Gusto ko sa roller coaster!"

"Papayag ako kung ferris wheel muna." suhestyon ko.

"Roller coaster!"

"Sa Ferris wheel!"

"Roller coaster sabi!" Pilit niya pero ayaw ko talaga. Nag-umpisa na akong maglakad patungo sa ride na tinutukoy ko.

"Sa ferris wheel and that's final." Matigas at may awtoridad ang pagkakasabi ko kaya lang nauwi rin kami sa gusto niya. Napansin ko kasi kaninang sa ibang direksyon siya papunta kaya wala na akong nagawa kung hindi sundan siya.

Matindi talaga. Napasakay niya ako sa roller coaster at ang mas matindi pa ay para talagang ako ang babae saamin. Leche talaga. Tingin ko ay masusuka na ako ngayong kabababa lang namin sa ride na iyon.

"Kaya pa? Hindi na maipinta ang mukha mo, Aldrin. Teka, are you going to throw up?" Tumango nalang ako.

"Hala! Sorry. Hindi ko kasi alam na madali kang mahilo. Sorry. Sorry talaga." Halata namang sincere siya kaya lang masasabi ko na yata lahat ng mura ngayon dahil hindi ko na kaya. Tingin ko ay masusuka na ako kaya tumakbo ako sa pinakamalapit na trashcan. Sh*t.

Hinahagod lang niya ang likuran ko habang sumusuka ako. Dinaig ko pa yata ang lasing. "I'm sorry talaga." Parang mantrang paulit-ulit niyang sinasabi iyon.

"It's okay." Sabi ko saka dumiretso sa pinakamalapit na stall para bumili ng tubig at candy. Sayang 'yung mga kinain ko ngayong araw, mukhang nailabas ko na yata lahat. Naupo na lang ulit kami sa pinakamalapit na bench para makapagpahinga. Ramdam na ramdam ang pagka-ilang sa pagitan naming dahil pareho kaming hindi nagsasalita. Sa tingin ko ay guilty pa siya dahil sa pag-aasal spoiled brat niya kanina.

Bigla na lang niya akong hinila pahiga at ipinagamit na unan ang hita niya. "Ayan humiga ka muna. Kasalanan ko naman kaya I'll take the consequences." Consequences? Baliw talaga. Pero hinayaan ko na lang din dahil nahihilo pa ako.

Hindi na namin napansin ang oras. Nakatulog na rin pala ako at pagmulat ko ay nakita ko siyang nakatitig lang saakin.

"Matutunaw ako." ani ko.

"Feeling ka naman. Tinititigan ko lang yung ilong at lips mo." aniya.

"Sus, pasimple ka pa! Baka gusto mo lang akong halikan." Biro ko kaya lang bigla siyang nanahimik. Maling joke yata ang naibato ko. Babangon na sana ako kaya lang pinigilan niya ako.

Hindi na ako naka-react sa sumunod niyang ginawa. I just felt her soft lips on mine.

Picture of You (season 1 and 2) (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon