CHAPTER 25: Trouble

58.3K 679 96
                                    

CHAPTER 25

"Trouble"

"Aldrin, gising na."

Nananaginip pa yata ako. Bakit ko naririnig ang boses ni Lena? Bakit siya nandito sa kwarto ko?

"Huwag mong hawakan ang tenga ko." Bulong ko.

"Eeeh! Bumangon ka na kasi!"

Bigla akong napaupo at napabangon dahil sa boses niya. Hindi ako nananaginip.

"Lena?" Tinignan lang niya ako na para bang nagtataka.

"Sino pa nga ba?"

"Hindi ba ako nananaginip?" Tumawa siya nang napakalas dahil sa itinanong ko. Pero seryoso ako sa tanong ko, hindi nga ba ako nananaginip?

"Engot ka talaga!" Sabi niya at tumawa nanaman siya. Si Lena nga ito. Walang manner kung tumawa.

"Huwag mo akong tinatawag na engot." Kako saka pinisil ang ilong niya.

"Ang ilong ko! Ang maganda kong ilong." Ika niya saka tinapik-tapik ang braso ko. Napangiti ako dahil siya nga pala ang kasama ko kagabi. Nagpaliwanag na siya.

"Drin, bumangon ka na. Gutom na ako." Sabi niya nang naka-pout pa. "Dali na! huwag ka na humiga." Niyugyog pa niya ako at itinulak hanggang sa mahulog ako sa kama. Aish! Ang gulo talaga.

"Gusto ko matikman ang luto mo, kaya ikaw nalang." Umupo ako pero nakapikit pa rin ako. Ayaw ko pang bumangon.

"Eeeh! Hindi naman naman pwede magluto sa hotel. Saka isa pa hindi naman ako marunong mag—" Sinilip ko siya at nagagawa niya pa talagang mag-pout. Aish.

"Oo na sige na. Huwag ka nang mag-pout. Halikan kita e."

Tinakpan niya ang mga labi niya at tinignan lang ako ng masama. Akala mo naman hindi ko siya nahalikan sa tanang buhay ko.

"Maligo ka na tapos kain na tayo, hah?"

Bumalik na yung hyper na Lena na kilala ko. Namiss ko talaga 'to.

"Payakap nga." Hinila ko nalang siya at niyakap. Ang bango talaga ng buhok niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagbabago ng brand ng shampoo.

"Ehh. Pagkain Aldrin, maligo ka na."

"Sssh huwag kang maingay." Gusto kong yakapin lang siya ngayon at matulog ulit.

"Pagkain, Aldrin. Kailangan ko ng pagkain." Paalala niya pero hindi ko pa rin siya pinapakawalan.

"Alam ko hindi ko pa nasasabi ito sayo ng maayos mula kahapon pero Lena, I miss you." Niyakap din niya ako pabalik

"Huwag kang madrama. Naiiyak ako."

"Huwag kang umiyak, pumapangit ka e. Ngumiti ka lang." Hinampas niya ako sa likuran ko at saka mas lalong humigpit ang yakap niya nang sabihin ko ito sakanya. "Mahal na mahal kita."

Nanatili lang kaming magkayakap na dalawa at naghiwalay lang nang biglang mag-ring ang cellphone niya.

"Sagutin mo." Kako. Saka tumayo na at kinuha ang twalya. Wala naman akong damit na pamalit kaya uulitin ko nalang ulit 'to.

Sumimangot lang siya at sinagot na ang kanina pang tumutunog na cellphone niya. "Hello?"

"Lady?" Napatigil ako sa pangangalikot ng kung anu-ano rito. "Kailan pa?"

Bakit ba parang gulat na gulat siya sa sinasabi ni Lady?

"Oo. Kasama ko naman siya ngayon." A pause. "Mag-iingat kami pangako."

"I love you sis. Thank you."

Pagkatapos ay humarap siya saakin. Hindi siya nakangiti. Mukha lang siyang nag-aaalala ngayon. Siguro ay hinahanap na siya sakanila.

"Anong sabi?" Kinagat lang niya ang labi niya at umupo na parang ang laki ng problema niya. Ang laki na nga ng problema naming dalawa ngayon pero parang mas---

"Nandito siya." Huh?

"Sino?"

"My fiancé is looking for me." Natataranta niyang sabi saakin. "Aldrin huwag mo akong ibalik, ayaw ko sakanya."

Napakamot nalang ako ng ulo. Siraulo talaga 'to, gamit ba siya para ibalik ko? Matagal na siyang akin. At ang akin ay akin lang.

***

Ang problema namin ngayon ay pera. May part-time ako pero hindi naman sapat iyon dahil estudyante lang din ako. Hindi naman ako pwedeng tumigil dahil gagraduate na rin ako. Ang isa pang problema ay anak mayaman si Lena. Baka hindi ko mabigay ang mga luho niya.

Saan naman ako kukuha ng pera para sa maintenance niya?

Paano kaya kung bigla nalang siyang maghanap ng bagay na hindi ko kayang ibigay?

Aish! Kung anu-ano ang iniisip ko. Ang impotante ay kasama ko siya. Yun na yun! Na yung taong akala ng iba ay patay na pero ngayon ay kasama ko pala.

"Aldrin doon tayo." Hinila niya ako ako papunta sa isang boutique. Nandito kasi kami ngayon sa mall. Delikado dahil baka may makakilala saamin o makakita saamin na kakilala si Lady. Ganito ba ang nararamdaman niya kapag nagtatago?

"Aldrin! Sa claw machine tayo, please?"

"Pero nabigyan na kita dati ng unggoy."

"Eeeh iba naman ito!" Ilang taon na ba siya? 22? Pero kung magtantrums siya parang bata pa rin. "Saka gusto ko yun oh." Turo niya sa stuffed toy na kulay pink. "Saka yun pa." turo pa niya sa kulay blue. Anak ng!

"Ang dami naman?"

"Dali na, please? Please?" Napakamot nalang ako ng ulo ko dahil wala naman akong magagawa. Bakit kasi ang cute niya kapag gumaganyan siya?

Sinubukan kong kunin yung mga gusto niyang stuffed toy. Madali lang naman bumili kasi ng mga ganito, bakit kailangan ko pang magpakahirap? Isang barya nalang ang natitira ngayon. Makukuha ko ba? Aish naman!

"Akin na nga! Ang hina mo naman." Inagaw niya ang natitira kong barya at hinulog ito sa claw machine.

Naging seryoso ang mukha niya nang mag-umpisa nang gumalaw yung bakal sa loob ng claw machine. Ilang segundo pa ang lumipas at naipit nito ang stuffed toy na gusto niya at dahan-dahan itong naiangat pataas at nahulog sa may butas. Naktakteng 'yan!

"YEHEY ALDRIN! May nakuha ako." Agad kong inagaw ang ipinagmamalaki niyang nakuha niya.

"Akin na ito." Kako pa. "Dapat lang na ibigay mo saakin 'to."

"Aldrin naman e!" naglakad na ako dala-dala ang pink na baboy na ito. Dapat lang talaga na ibigay naman niya ito saakin dahil binigyan ko na siya noon ng unggoy.

"Palibhasa mukha kang pig!"

"Ikaw, mukhang monkey!" Asar ko rin sakanya.

Halos nag-asaran lang naman ang ginawa namin bago kami nagpunta sa isang shop na gusto niya. Bibili raw siya ng mga damit niya nang bigla nalang siyang nagmadaling pumasok sa fitting room.

"Hoy? Anong nanyari saiyo?" gulong-gulo kong tanong pero hindi naman niya ako sinagot.

Napatingin tuloy ako sa bagong pasok na customers. Si Lady at may kasama siyang lalaki. Napatingin ulit ako sa may fitting room. Sh*t! Hindi kaya siya ang fiancé na tinutukoy ni Lena?

Picture of You (season 1 and 2) (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon