Chapter 15: Anino

65.1K 752 91
                                    

Chapter 15

"Anino"

"Bakit mo ako pinapunta rito?"

Bigla nalang akong tinawagan ni Mark kanina. Hindi ko rin alam kung bakit ako pumunta nang sabihin niyang pumunta ako sakanila. Parang timang lang. Siguro nga best friend ko siya noon pero noon lang yun hindi na ngayon.

"Aldrin, sino ba talagang mahal mo sakanila." Takte. Diretsahan?

"Si Lena."

"Totoo pare? Hindi ka nagbibiro?"

"Natutuwa ka ba o naiinis? Wala ka bang pagkain?" Naghanap ako ng pagkain sa ref. niya pero pulos panis na yata ang nandoon. "Maglinis ka nga. Kahit lalaki ka dapat nililinis mo pa rin pad mo." Tanga neto. Ang baho ng ref.

"Alam mo hindi ka pa rin nagbabago e. Nakalimot ka lang pero ang OC mo pa rin pare. Para ka talagang babae."

"O alak. Ayan nalang."

"Panulak lang? Wala man lang pulutan?"

"Kung mahal mo si Lena, paano si Lady?" Bigla-bigla nalang siyang nagiging seryoso. Isang tungga pa nga lang nagagawa niya. Bakit ba kailangan kong makipag-inuman sakanya?

"Hindi ko alam. Gusto ko naman siya."

"Gusto mo siya pero mahal mo naman yung isa. Ibang klase ka rin e. Alam mo bang buong buhay ni Lady ay pinagbibigyan lang niya si Lena?"

"Hindi ko hawak ang gagawin nilang magkapatid. Hindi ko rin naman gustong mapunta sa sitwasyon na ito. Isa pa hindi ko naman kasalanan na na-involve ako sa magkapatid. Ayaw ko rin naman sirain ang samahan nila. Pero mahal ko na si Lena."

"Tingin mo ba mamahalin mo si Lena kung si Lady ang lagi mong makakasama?"

Mamahalin ko nga ba si Lena kung sakali? Hindi ko maalala ang lahat ng pinagsamahan namin pero alam kong ilang beses ko rin ginustong lapitan si Lena noon.

"Basta ang alam ko lang mahal ko siya."

"Bahala ka."

Sa pinapakita ni Mark, parang sinasabi niya lang saakin na gusto niya ang isa sa kambal. May gusto man siya o wala sakanila ay malabo pa rin siyang kausap. In short walang sense kausap.

***

Ilang buwan ang lumipas na nasa ganitong setup kami ni Lena. Once a week kung magkita. Minsan ay hindi pa nga. Itinatago namin ang relasyon naming dalawa dahil ayaw niyang malaman ni Lady na may pinili ako sakanila. Ayaw niyang makitang masasaktan ang kapatid niya dahil marami na raw siyang utang na loob sakanya.

Si Lady ang madalas kong nakakasama. Para sakanya, girlfriend ko siya. Para saakin, para akong babaero. Lagi ko kasing hinahatid di Lady sakanila para lang makita panandalian si Lena. Kahit na minsan ay hindi naman kami nag-uusap. Yun din kadalasan ang pinag-aawayan namin pero agad-agad din naman kaming nagbabati dahil hindi ko siya matiis.

Kaya lang hindi ako mapakali ngayon. Hindi ko napansin na kanina pa ako tinatawagan ni Lena kaya naman nag-return call na ako. Kinakabahan ako at hindi ko alam ang rason kung bakit. Sa unang ring palang ay agad na niya itong sinagot. Bumungad saakin ang iyak niya. Lalo akong kinakabahan.

"Al---drin."

"Bakit ka umiiyak? May problema ba?"

"Aldrin..." tawag niya saakin sa pagitan ng mga hikbi niya. Tingin ko ay kanina pa siya umiiyak at wala man lang akong magawa ngayon para mapunasan ang mga luha niya. "Ayoko na." Parang babagsak nalang bigla ang katawan ko pagkatapos niyang sabihin iyon. Hindi ko maintindihan. "Ang sakit na. Aldrin ang sakit-sakit na."

Picture of You (season 1 and 2) (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon