CHAPTER 12: The Truth

68.8K 758 42
                                    

CHAPTER 12

"The Truth"

Hindi ako nakatulog pagkatapos ng mga nalaman ko. Magdamag lang akong nanood nang kung anu-ano. Lady? Lena? Naguguluhan ako sakanilang dalawa. Hindi ko akalain na pinaglalaruan lang ako ng dalawang babae. Nagmumukha pa tuloy akong two-timer dahil sakanila. Nakakabadtrip.

"Aldrin." Gising na pala siya. Kakausapin ko ba o hindi? Takte! "Oi! Bakit hindi mo ako kinakausap, may problema ba? Ang sakit ng ulo ko."

"Oo, ikaw." Walang gana kong sagot sakanya saka ko inilipat sa ibang channel ang pinapanood ko.

"Huh? Paanong ako? Bakit?" Kunwari pa.

"Aldrin. May nagawa ba ako?" Pilit kong iniiwas ang tingin ko. Ayaw kong madala sa pagpapacute niya. Teka bakit ba ako iiwas ng tingin? Siya nga itong may atraso saakin!

Buti nalang talaga at walang pasok ngayon. Nakakatamad pumasok lalo pa't ang dami kong nalaman kagabi. Ni hindi ko nga alam kung sino sakanila ang nakakasama ko lagi. Lena... Saan ko ba narinig ang pangalang 'yon? Aish! Sumasakit talaga ang ulo ko dahil sakanila.

"Lady."

"Bakit? Nakangiti niyang tanong saakin. Nakaupo na rin siya ngayon sa harapan ko.

"May kapatid ka ba?" agad na nawala ng ngiti niya sa mga labi nang marinig niya ang tanong ko.

"B-bakit mo naman naitanong?"

"Wala naman. Masama bang magtanong?"

"H-hindi naman s-saka isa pa hindi naman masamang magtanong." Hinawi niya ang buhok niya at umiwas ng tingin. Marahil ay kinakabahan siya.

"Tara sa bahay niyo."

"S-sa b-bahay namin? Bakit bigla mo naman gustong pumunta?"

"Masama ba?" Napapunas lang ako ng mukha ko gamit ang kamay ko at saka umiling. Kalma lang Aldrin. Kumalma ka lang.

"Kasi Aldri---" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil biglang sumabat ang nanay ko. Bigla niya akong sinabihan na huwag pumunta. Hindi ko alam kung bakit ang mama ko ay nangingialam saamin ngayon.

"Gusto kong pumunta. Anong masama kung ihahatid ko siya sakanila?" Gusto kong makita ang isa pang nakakasama ko. Ang kasama ko ngayon ay hindi ang babae sa litrato. Kaya pala ang wirdo lang tuwing iba ang ugaling ipinapakita niya.

"Tulungan mo na nga lang si mama magluto." Utos ko saka ako tumayo at nagkulong na sa kwarto ko. Hindi ko talaga siya kayang kausapin ngayon. Naiinis lang ako tuwing naaalala ko na niloloko lang nila ako ng kapatid niya.

Naligo nalang din muna ako para magpalamig ng ulo. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ako pinagtitripan nina Lady. Imposible naman na walang dahilan. Pagkatapos kong maligo ay nagpunta na ako sa kusina pero hindi pa man ako nakakapasok ay naririnig ko na agad ang pinag-uusapan nila.

"Baka kasi naalala na niya."

"Natrauma siya sa nangyari at isa pa ay hindi mo naman iyon kasalanan."

"Kahit na po. Kapatid ko pa rin si Lady tita. Gusto ko siya tita matagal na pero hindi ko naman kasi inaasahan na yung picture ni Lady ay mapupunta sakanya." Picture ni Lady at hindi ng babaeng nasa bahay ngayon. Sa isang tao ako nagkagusto at hindi sa kasama ko.

"Anong trauma ang sinasabi niyo dyan?" Halatang nagulat sila sa biglang pagsabat ko sakanila. Tama ang iniisip ko. Magkakilala sila. Kaya naman pala kumportable ang nanay ko tuwing kinakausap niya si Lady at yung si Mark. Pati ba naman nanay ko ay nakikisama sa panloloko nila saakin?

Picture of You (season 1 and 2) (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon