CHAPTER 4: SPLIT PERSONALITY

97.6K 1.1K 169
                                    

CHAPTER 4

"SPLIT PERSONALITY"

Nakatunganga ako ngayong vacant namin. Iniisip ko 'yong mga nangyari kahapon pati na rin 'yung hindi niya pag payag na ihatid ko siya sa kanila. Sinabihan pa akong huwag ko siyang susundan. Concerned lang naman ako pero bakit ganon? Sa picture lang ba ako nagkagusto? Wala kasi akong maramdaman noong kasama ko siya. O dahil siguro hindi pa din ako makapaniwala na nakita ko na siya. Naging instant girlfriend ko pa!

Tapos ang kulit pa niya ngayon. Nagyayaya nanaman ng date. Inaasar tuloy ako nina Aireen at Jolo dahil sa sobrang bilis nang pangyayari saaming dalawa ni Lady.

"Ang bilis naman pare! Niligawan mo ba siya?"

"Oo nga ano bang nangyari, Aldrin?" Sa totoo lang tanong ko rin naman 'yang tanong ni Aireen saakin. Ano bang nangyari? Mali ano bang nangyayari sa Lady na iyon? At ano ring sumagi sa isipan ko't pumayag ako sa kahibangang iyon?

"Hindi ko niligawan basta nalang niya ako pinasagot ng yes or no."

"Grabe! Edi ikaw ang unang boyfriend niyan! Tiba-tiba ka niyan, p're!"

"Timang! Anong tiba-tiba ang sinasabi mo d'yan, Jolo?"

"Nakakaloka naman pala itong si Lyn e!" Natatawang kumento ni Aireen.

"Oh? Anong gagawin niyo sa date n'yo ngayon?"

"Bahala na siya tutal siya naman nag-isip nang lahat ng gagawin namin kahapon. Siya na rin mag-isip ngayon."

"Kung magsalita ka parang hindi mo gusto si Lady ah." – Aireen

"Iba kasi e. Basta." Tipid at walang gana kong sagot sakanya.

Binasa ko na rin muna ang text saakin ni Lady. Magkita nalang daw kami sa labas pagkatapos ng klase. Ni wala man lang siyang smiley ngayon baka wala siya sa mood.

"Makikipagbreak na yan sa'yo!" Pang-asar na sabi ni Jolo saakin habang tumatawa. Siraulo talaga kahit kailan. Kung sabagay may karapatan naman na makipagbreak saakin si Lady at ayos lang naman saakin 'pag nagkataon.

Pagkatapos ng klase namin ay hinintay ko na siya sa main gate. Sa katunayan ilang minuto na rin akong nakatayo ngayon dito. Marami namang naghihintay katulad ko kaya ayos lang. Limang minuto pa ang lumipas at nakita ko na siyang tumatakbo papalapit sa'kin.

Wirdo ba kung makaramdam ako bigla ngayon ng kaba? Parang may iba. Dahil kaya sa hinalikan niya ako kagabi? Sh*t.

Hinabol na muna niya ang hininga niya bago siya humingi saakin ng paumanhin. "Sorry kung natagalan ako. Yung prof. ko kasi ang tagal magpalabas. Mabuti nalang kahit papaano ay pareho pala tayo ng schedule." Ngumiti siya ulit ngunit hindi katulad nung ngiti niya kahapon. Iba. Tingin ko tuloy ay nag-iinit na ang mukha ko. Wala ito, dahil lang ito sa init ng panahon. Shete. Ang bading ko talaga simula kahapon. Napansin ko rin na ibang-iba ang pananamit niya ngayon kumpara kahapon. Naka-dress siya ngayon at classy ang datingan niya.

"Anong gusto mong gawin?" Siya nalang tatanungin ko. Alam ko namang hindi rin niya ako pagbibigyan sa mga gusto ko.

"Ikaw ba?" Balik niya saakin ng tanong ko nang hindi man lang tumitingin saakin. Wala siguro siya sa mood. Pero seryoso ba siyang ako ang papipiliin niya? Kung sabagay ay nagugutom na rin naman ako kaya hindi na ako aangal pa.

"Kain na muna tayo." Sabi ko at agad naman siyang pumayag. "Okay." Nakangiti pa niyang sagot saakin.

Ganun kadali? Hindi man lang umangal? Samantalang kahapon kontrapelo ako sa lahat ng mga sinasabi ko. Halos awayin pa niya ako.

Picture of You (season 1 and 2) (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon