CHAPTER 13: Kailangan ba talaga?

67.8K 729 80
                                    

CHAPTER 13

"Kailangan ba talaga?"

Kung bakit niya binabawalan si Lena ay ang tanging tanong na hindi niya nasagot kaya naman nagpasya nalang akong umalis na. Ayaw kong magtagal pa doon dahil malilito lang ako sakanilang dalawa.

Lahat ng ala-alang nakalimutan ko ay nanumbalik kanina. Marahil hindi lahat pero sapat na para maalala ko ang ilang pangyayari. Tama ang sinabi ni Lady kanina. Mas gusto ko siya noon kumpara kay Lena na napakakulit at napakaingay. Pero noon yun hindi ko na alam ngayon.

Oo nga't bumibilis ang tibok ng puso ko kapag ngumingiti si Lady saakin, pero masaya rin naman ako tuwing kasama ko si Lena. Ang nakakaleche lang talaga ay pareho nila akong pinaglaruan.

Kinaumagahan ay pumasok na rin ako. Normal lang ang araw ko. Walang Lady—Lena na nangungulit saakin. Ang boring tuloy. Okay na kaya siya? Hindi pa rin siya nagtitext. Ano pang silbi na nakuha niya yung cellphone niya noong nakaraan kung hindi rin naman pala siya magtitext. Leche talaga. Kahit sana sabihin lang niya kung okay na siya.

"Aish! Bakit ko ba siya iniisip? Badtrip!"

"Oh? Napaano ka dyan?" Hindi ko man lang namamalayan na nasa tabing upuan ko na pala 'tong si Jolo.

"Mukha na kaming tanga ni Aireen dito sa tabi mo 'tol. Hindi ka nagsasalita. Akala namin ay nababaliw ka na kasi kung magsasalita ka man dyan ay wala ka naman kausap."

"Ano ba kasing nangyayari sayo? Simula noong nakakasama mo 'yang si Lady hindi ka na namin madalas makasama. Tama bang iwanan mo ako dito sa Jolo na ito? Nasaan ba si Lady? Hindi ba free time na niya dapat ngayon?"

"Malay ko."

"Sus! Nag-away ba kayo? LQ pare? Hahaha!" Lalo lang akong nabubwisit dahil sa dalawang 'to.

"Aalis muna ako."

"Hoy! May sunod pa tayong klase." Pigil ni Aireen pero wala rin naman siyang nagawa dahil umalis nalang ako. Tinatamad na akong pumasok ngayong araw. Baka maglaro nalang ako sa computer shop maghapon. Tiyak masasabon lang ako ni mama pag umuwi na ako. Wala pa naman siyang trabaho ngayon.

Sa paglalakad ko ay nakita ko na siyang papalapit saakin.

"Hi."

"Lena?"

"Lady." She corrected.

"Si Lena, ayos na ba?" tuloy-tuloy pa rin ako sa paglalakad at ako naman ay sumasabay lang sakanya.

"She's okay now."

"Good. Kailan daw siya papasok?"

"Aldrin stop it." Tumigil siya sa paglalakad at pati na rin ako. Ni hindi ko nga maintindihan kung bakit niya ako pinapahinto sa sinasabi ko. Kinukumusta ko lang naman si Lena. "Huwag mo nang hanapin si Lena. Please. Huwag na..." Mabigat ang pagkakabitiw niya ng bawat salita. Para akong kinakabahan dahil sakanya at mas lalo pang bumilis ito nang hawakan niya ang kamay ko.

"Aldrin... Ako nalang. Alam ko kay Lena ka nakipagkasundo noong unang nakita mo siya sa University but please Aldrin..." Napapalunok nalang ako ng laway dahil sa sinasabi niya. Hindi ko alam ang isasagot ko at nataranta pa ako nang bigla nalang tumulo ang luha niya. Sh*t! Feeling ko tuloy ang dami kong kasalanan sa mundo kaya laging may babaeng umiiyak sa harapan ko. Leche talaga.

Naalala ko nanaman tuloy yung gabing nakiusap saakin si Lena. "BUT I'M NOT LADY! Tawagin na ako ng lahat na Lady huwag lang si Aldrin. Huwag lang siya."

"Ang sabi mo dati ako ang pinipili mo saaming dalawa. Hinintay kitang makaalala. I even enrolled here para lang makita kita ulit pero si Lena ang una mong nakita. Sabihin mo nang nagsisisi akong pinagbigyan ko siyang pumasok bilang ako pero mahal ko rin ang kapatid ko kaya ko siya pinagbigyan. Pero Aldrin huwag na siya ang mahalin mo." Umiiyak na siya at hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung ikukumpara ko silang dalawa ay mapapansin na mas matapang si Lena at mas iyakin talaga si Lady. O baka mali rin ako.

Picture of You (season 1 and 2) (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon