CHAPTER 5: SPICY!

86.1K 972 56
                                    

CHAPTER 5

"SPICY!"

"LADY LYN!" Sigaw ko sakanya. Parang tanga kasi! Sinong matinong babae sa ganyang edad ang aakyat pa sa puno?

"Mahuhulog ako Aldrin. Help me." Mangiyak-iyak niyang pakiusap saakin. Cute na sana kaya lang nasa taas siya ng puno.

"Ano ba kasing ginagawa mo dyan?"

"Kasi yung pusa kanina..." kumapit siya nang mabuti sa isang sanga bago ulit nagsalita. "Kakainin niya yung maliit na ibon kaya tinulungan ko lang. Dalian mo Aldrin." Mukha na talaga siyang iiyak kaya naman sinabihan ko nalang siya na tumalon na siya.

"Baka mapilayan ako!" Tuluyan na nga siyang umiyak ngayon.

"Wala ka bang tiwala saakin?"

"Wala!" walang alinlangan niyang sagot saakin. Iwanan ko siya dyan e.

"Magtiwala ka kasi. Sasaluhin kita." Nagpapasalamat ako ngayon dahil simpleng T-shirt at maong pants lang ulit siya.

"Ayaw! Baka ibagsak mo ako!"

"Lady Lyn!" Pagalit kong sigaw dahil naaksaya na rin ang oras ko.

"Galit ka na?" Pilit niyang pinunasan ang mga luha niya pero mas lalo naman siyang umiyak ngayon. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko. Girlfriend ko ba talaga siya o nag-aalaga ako ng bata?

"Oo magagalit ako kung hindi ka pa tatalon dyan. Aalis na ako at hindi na kita tutulu---"

"Oo na! Heto na! Saluhin mo ako."

"Oo na!"

"Aldrin tatalon na ako!"

"Bibilang ako ah!" sabi ko. "Isa! Dalawa! Tatlo!" Pagkasabi ko ng tatlo ay tumalon na siya at sumigaw.

Ang lakas ng impact nang pagkakatalon niya kaya ramdam na ramdam ko ang bigat niya.

"Ang bigat mo." Kako at bigla nalang niya akong sinampal. Bumaba siya at bigla niya nalang akong sinigawan.

"HINDI DAPAT YUN SINSABI SA BABAE!" Feeling ko tuloy nabasag ang eardrum ng kaliwang tenga ko. Para talagang bata dahil tumakbo na siya para tumakas. Lokong 'to.

"HOY LADY LYN! BOYFRIEND MO PA RIN AKO!" Sigaw ko dahil napakalayo na niya. Wala rin akong pakialam kung mapatingin pa saamin ang kakaunting nagkalat na estudyante. Wala na rin naman kasi kami sa school grounds.

"Oo nga, boyfriend nga kita! Kaya nga---" Hindi ko na narinig ang iba niyang sinabi dahil may napadaan na sasakyan.

"ANO?"

"Wala!"

"Ang weird mo talaga kahit kailan." Hinabol ko nalang siya dahil ang layo na niya. Natutuwa ako sakanya ngayon. Siguro kasi ang refreshing lang sa paningin. Babaeng walang pakialam sa appearance. Saan ba ako makakakita ng babaeng umaakyat ng puno? Pero ayos din talaga kung tahimik lang siya.

"Aldrin tutal boyfriend naman kita at girlfriend mo naman ako... uhm."

"Ano nanaman?" Nakapamulsa pa ang dalawang kamay ko ngayon habang naglalakad. Hindi ko nga alam kung saan nanaman siya pupunta. Basta sinusundan ko lang siya.

"Dapat may tawagan tayo."

"Tawagan? Tulad ng?" Corny naman kung may tawagan pa. Ayos naman ang pangalan niya. Nakakatuwa ngang bigkasin eh.

"Example asawa ko, mahal ko, honey? Hon?" Natatawa niyang sabi. Lahat naman ng mga iyon ay baduy at generic na.

"Ang baduy naman." Kumento ko kaya napasimangot nalang siya.

"Ah! Baby? Bebe? Munch?"

"Pangit."

"Edi ano, mine?"

"hah?"

"Sabi ko mine tutal boyfriend kita kaya akin ka." Para naman kaming naglalaro ng volleyball kapag mine.

"Oo narinig ko kaso ang baduy pa rin. Mag-isip ka pa." Maski ako ay natatawa na. Bakit ko ba sinasakyan ang trip niya ngayon?

"May naiisip ka ano? Basang-basa ko 'yang hitsura mo ngayon!" Sabi niya na parang kilalang-kilala niya ako.

"Naiisip ko lang na ang corny-corny mo pala. Gusto mo ng tawagan pero wala ka namang mabuting maisip." Kako nalang at saka naunang maglakad. Natutuwa naman ako sa mga naiisip niya kaya lang ang baduy talaga. Parang nakakapeste ng buhay.

"Eeeh! Aldrin naman e! Mine nalang para hindi mo ako lolokohin kasi makokonsensya ka kung nambabae ka man." Kumapit pa siya sa braso ko nang sabihin niya iyon. Kailan man ay hindi ko naman naisip na mambabae kahit na parang ang bilis ng mga nangyari.

"Alam ko na!" Sabi pa niya nang may aksyon pa. Kakaiba talaga 'tong babaeng ito. Kulang nalang ng ilaw sa ulo niya ng sabihin niya iyon para mukhang cartoons na. "Spicy nalang!"

"Hah? Spicy?"

"Oo! Spicy kasi hot naman ako." Natutuwa at confident niyang pahayag saakin kaya natawa nalang ulit ako saka pinagmasdan ko siyang mabuti.

"Hot? Nagpapatawa ka ba?" Tanong ko habang tumatawa pa kaya mukhang naasar nanaman siya at pinaulanan ako ng mga magaang suntok.

"Tse! Ang sama-sama mo talagang boyfriend! Wala man lang moral support?" Patuloy ko lang siyang pinagtawanan kahit alam kong hindi na ako nakakatuwa. Paano ba naman kasi hot daw siya?

"Sorry na spicy." Dispensa ko dahil nauuna na siyang maglakad saakin. Alam kong inis na inis na siya saakin ngayon dahil wala akong kooperasyon sa mga gusto niyang mangyari. "Spicy! Hintayin mo naman ako." Pang-aalo ko pero parang walang epekto ito dahil hindi niya ako pinapansin. Nabadtrip yata talaga.

"Pinagtitripan mo ako e! Sabi mo corny tapos---" Nahinto siya sa panenermon saakin at hinawakan ang sentido niya.

"Okay ka lang ba?" Inalalayan ko siya dahil mukha na siyang matutumba. "Umupo ka muna. May sakit ka ba?" Hinawakan ko ang kanyang noo niya pero hindi naman siya mainit. "Kumain ka ba kanina?" Tanong ko pa.

"Hindi ko pinapalagpas ang pagkain."

"Natulog ka ba ng maayos kagabi?" Natigilan siya at hindi ako tinignan. Puyat siya at maaring low blood din siya.

"Hehe!" Nakuha pa niyang tumawa na parang nang-aasar.

"Halika nga rito." Ginawa ko rin yung ginawa niya saakin sa theme park noon. Pinahiga ko rin siya at ginawang unan ang hita ko.

"Gaya-gaya ka." Bulong niya pero nakapikit na siya ngayon.

"Huwag ka na magsalita. Itulog mo muna. Panigurado ayaw mo rin naman magpahatid saakin."

"Basta huwag mo ako iki-kiss habang natutulog ako."

"Tss. Mangarap ka. Matulog ka na nga." Pinagmasdan kong mabuti ang mukha niya ngayong tulog na siya. Maamo ito, taliwas kapag gising siya. Malambot at makintab din ang buhok niya.

Makinis din ang balat niya at mahaba ang mga pilik mata niya. Shete! Ano bang ginagawa ko? Nilubayan ko na siya ng tingin dahil baka kung ano pa ang magawa ko.

"Basta huwag mo ako iki-kiss habang natutulog ako."

Shete. Sana magising na siya.

Picture of You (season 1 and 2) (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon