016. True Strength

5.3K 381 90
                                    

Nang imulat ni Jacob ang mga mata, bahagya siyang nasilaw sa liwanag ng silid dahil na rin sa sikat ng araw na pumapasok sa loob ng kinalalagyan niya. Alam niyang hindi niya iyon kwarto dahil na rin sa interior at kulay ng kisame, at nang lumipas ang ilang sandali ay napagtanto niyang nasa loob siya ng clinic para sa mga miyembro ng Paramount Class.

Ibinaling niya ang tingin sa tabi, kung saan nakaupo si Leia sa isang metal stool. Pinaglalaruan nito sa isang kamay ang isang malapit nang mamatay na long-stemmed rose na nakatanim sa isang pot at nakapwesto sa may bintana.

"Anong nangyari?" tanong ni Jacob sa babae.

"Gising ka na pala..." tugon ni Leia habang nginingitian siya, "Naabutan kitang walang malay sa hallway sa Paramount Building kagabi. Nagpatulong nga ako sa guard para dalhin ka dito. Kumusta ang naging tulog mo? May masakit ba sa'yo? Ano ba kasi ang nangyari at bigla ka na lang nawalan ng malay dun?"

Sinubukang alalahanin ni Jacob ang mga nangyari sa kanya kahapon, pero wala talagang pumapasok sa utak niya. Ang ikinuwento niya na lamang na huli niyang natatandaan niya ay ang pakikipag-usap niya sa class adviser nilang si Daniel, at ang paglalakad niya pabalik sa kwarto. Natatandaan niya na nakaramdam siya ng kaunting pagkahilo bago siya tuluyang nawalan ng malay, pero maliban doon ay wala na siyang maisip pa.

"Maliban doon, wala na talaga akong maalala eh..."

"Baka talagang nawalan ka lang ng malay habang naglalakad... Baka nag-manifest na 'yung potential mo..."

Kumunot ang noo ni Jacob at pinakiramdam ang sarili, "Parang hindi naman."

Natawa na lamang si Leia at marahang pinalo ang braso niya, "Pinapagod mo siguro ang sarili mo, 'no?"

"Siguro stressed lang ako kaya ganito ang nangyari sa 'kin. Pasensya ka na sa abala, Leia. Pwede mo na akong iwan dito. May pasok ka pa eh."

"H-hindi..." Leia replied as she shook her vigorously, "Dito na lang muna ako. Maaga pa naman eh. Sinadya ko talagang gumising nang maaga para mapuntahan kita dito." Pagkatapos ay ipinakita nito ang paper bag kung saan nanggagaling ang isang mabangong amoy, "Binili na rin kita ng almusal, para naman makakain ka na."

"Salamat ha... Pero sigurado ka bang dito ka muna?"

"Oo... Sigurado ako."

Habang nakahiga, biglang sumagi sa isip ni Jacob ang kaibigang si Nico at ang nangyaring gulo sa pagitan nila ni Vladimir.

"Ngayon pala ang simula ng three-day suspension ni Nico. Kumusta na kaya ang ungas na 'yun?" tanong ni Jacob habang sinusubukang maupo sa higaan niya. He was still feeling a little dizzy, but he knows he can walk around just fine despite it.

"So talagang sususpendehin muna siya sa Paramount Class? Pero paano si Vladimir? Parang hindi fair. Kung tutuusin naman, siya ang totoong may kasalanan at hindi si Nico," nakasimangot na tugon ni Leia.

"Mapapagalitan siya syempre, pero hindi naman siya mapaparusahan dahil hindi naman siya ang naunang nanakit. Strikto si Sir Daniel pagdating sa Paramount Code eh. Sana nga okay lang din 'yun si Vladimir. Medyo matindi 'yung naging suntok sa kanya ni Nico. Nag-manifest na kasi ang abilities nung loko kaya mas malakas na siya ngayon kumpara sa dati. Alam mo na, enhanced strength..." umiling-iling siya habang natatawa, "Nakita mo naman kung paano siya tumilapon, hindi ba? Natakot nga ako eh, kasi akala ko mababagok siya."

"Ang weird mo..." Leia then smiled and shook her head while chuckling, making Jacob confused.

"Bakit? May weird ba akong nasabi?"

"Wala lang..." she responded as she shrugged, "Ang weird mo lang kasi. Laging bad trip sa'yo si Vladimir pero nag-aalala ka pa rin sa kanya."

Jacob wrinkled his nose as he chuckled, "Siya lang naman ang galit sa akin eh. Hindi naman ako galit sa kanya. Naiinis ako sa kanya paminsan-minsan, pero hindi ako nagtatanim ng sama ng loob. Tsaka hindi ko naman ugali na maghangad ng masama para sa ibang tao."

The Paramount Code (The Odd Ones, Book 1)Where stories live. Discover now