050. The Watcher

3.8K 295 5
                                    

Nang matapos nina Gwen at Vladimir ang pinagawa sa kanila, nagtinginan silang dalawa at tahimik na dumiretso sa hagdan para bumaba na mula sa platform.

Pero bago pa man sila tuluyang makababa, isang babae na nakasuot ng laboratory gown ang nakakita sa kanila at pinigilan silang bumaba. She gave them a suspicious look, causing both Gwen and Vladimir to feel nervous and hesitant.

Pinagmasdan ni Vladimir ang babae nang maigi, at naalala niyang nakita niya na ang mukha nito sa Paramount Yearbook. Kaharap nila ang isang babaeng dating miyembro ng Paramount Class, at katulad nila ay isa ring metahuman, kaya hindi niya mapigilang kabahan.

"Saan kayo pupunta?" tanong sa kanila ng babae.

"We need to... To get some more test tubes," agad na tugon ni Gwen, habang pilit na ikinukubli ang pag-aalala kahit pa natatakpan ang mga mukha nila dahil sa suot na hazmat suits.

Napatigil nang saglit ang babae, na para bang may iniisip habang pinagmamasdan silang dalawa. Halos marinig na ni Gwen ang tibok ng puso niya dahil sa tensyon at kaba na nararamdaman habang naghihintay sa magiging tugon sa kanila ng kaharap. Gwen suddenly replied, trying her best to look confident and unsuspicious.

"If you're going to get some supplies, then just get me some glass slides as well," the female scientist suddenly told them calmly.

Mabilis na tumugon sina Gwen at Vladimir, bago tuluyang nakahinga nang malalim pagkatapos silang lampasan ng scientist nakaharap. Sabay silang nakaramdam ng pansamantalang ginhawa, baog muling itinuon ang pansin sa paglabas sa warehouse na iyon.

The two then rapidly went down the stairs and went through the backdoor of the warehouse which will lead them to a blue tent where the supplies are kept. It is also the same place where they hid the two workers from whom they stole the suits from.

Ginamit ni Gwen ang kakayahan sa dalawang lalaking ninakawan nila ng suit, at inutusan ang mga ito na magtago hangga't hindi sila nakakabalik. Pinapwesto niya rin ang dalawa sa isang espasyo sa likod ng warehouse na hindi naman nadadaanan ng mga tao. Puno ng mga lumang kagamitan, mga malalaking drum, at mga malalaking piraso ng bakal ang masukal na bahaging iyon ng lote, kaya talagang walang makakapansin sa dalawang lalaking nakakubli roon. Hindi rin naman nagtagal sina Gwen at Vladimir sa loob, kaya mabilis din nilang nabalikan ang dalawa.

After placing the suits back on the two men, Vladimir then used his ability to control the cameras as they passed through the narrow path on the side of the warehouse. They walked quietly and discreetly, until they reached the back gate. It is smaller, but is equally guarded.

"Dito ka lang at ihanda mo ang sarili mo..." ani Gwen bago nagsimulang mag-focus, "I'll do the same thing I did a while ago, then I'll just tell you if it's your turn, do you understand me?"

Iyon nga lang, hindi nakatanggap ng kahit anong tugon si Gwen mula kay Vladimir, kaya binalingan niya ito ng isang nagtatakang tingin. Pero sa halip na tuluyang magalit, nagulat si Gwen nang makitang nanigas na si Vladimir sa pwesto niya, at blangko ang mga mata nito.

"Vladimir... Anong problema?"

"There's nothing wrong with him. I just went into his head and controlled him. You see, you're not the only telepath here, Gwen."

Nang lingunin ni Gwen ang pinagmulan ng tinig, halos magdikit na ang mga kilay niya nang makita si Dr. Janus Roth na nakatayo ilang metro ang layo mula sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Sa sitwasyon nating dalawa, parang ako ata ang dapat na nagtatanong niyan, hindi ba? Anong ginagawa ninyong dalawa dito? As far as I know, this is a protected facility, and unauthorized people like you are not allowed to go here. To say that you lost your way and randomly found yourselves here is pretty far-fetched, don't you think?"

The Paramount Code (The Odd Ones, Book 1)Where stories live. Discover now